orasan ni manong driver ng pedicab

unang araw ko sa pang umaga na shift. nakakapanibago, ‘yung oras kelan lang na pauwi pa lang ako iyon mismo ngayon ang oras ng pasok ko. katakut takot na adjust na naman ang gagawin ko at ng sistema ko. hindi ko na tanchado ang oras pag ganito, kung anong oras dapat gumising, kung hanggang anong oras lang p’wede tumawad sa higaan, ilang oras lang p’wedeng magkumpleto ng gising sa sofa, gaano katagal lang p’wede sa cr, at anong oras ang dapat alis sa bahay.
hindi ako nagsusuot ng relos, hindi ko alam pero pakiramdam ko bumabagal ang mundo pag may orasan sa kamay ko, ..at mas lalo akong tumataba at umiiksi. pakyu!. hindi din ako paladukot ng celfone sa kalye kaya ang oras na sinusunod ko habang nasa byahe ako nakabase lang sa kung anong oras ang huling nagrehistro sa orasan namin sa pader ng bahay bago ko ihakbang ang mga paa ko papalayo dun.
mabilis naman ang unang jeep na sinakyan ko, walang problema dahil nakalipat agad ako ng bus pagbaba ko dun, medyo nag alangan lang ako dahil pakiramdam ko hinabol ng driver ang kabagalan ng kunduktor na mangolekta ng pamasahe.  hindi na ako ganun kakumportable ngayon sa oras na inilaan ko para sa b’yahe. ang biswal na nakikita ko sa katayuan ko ay naging: 
maaga ako____________ako ito____late ako

kinakabahan na ako, isa o dalawang late na lang ang layo ko para magka memo galing ng HR para sa buwan na ‘to. matulin kong tinalon ang unang jeep na dumaan. at sa normal na kwentong ganitong nagmamadali ka na kalimitang nasa ratio ka ng 8:2 walo para sa posibilidad na sa buwayang driver ka pa mapapa tyempo. sila ‘yung mga driver na kulang na lang hintayin sa bawat kanto ng kalsada ‘yung mga posibilidad na pasahero na kasalukuyan pa lang mga nagsisipagligo sa mga bahay nila.
pakiramdam ko ginahasa ako ng tatlong aso bago ako nakababa sa jeep na ‘yun. at hindi ‘yan pamilyar na pakiramdam sa akin, sinasabi ko lang. takbo agad ako sa isang convenient store, bili ng baon, sindi ng yosi.. takbo sa paradahan ng pedicab. kailangan ko ng oras at s’yempre pa walang suot na orasan si mamang driver ng pedicab sa braso n’ya. kailangan ko ng magtatancha ng oras para sa akin..

Jon Cabron: manong, may ala sais na kaya?
Mamang Driver ng Pedicab: nako boss, hindi ko alam.
Jon Cabron: sa tingin n’yo lang ho?
Mamang Driver ng Pedicab: alam mo boss, sa buhay ko na hindi ko naman kayang bumili ng orasan.. ang relo ko e ang sikmura ko. pag kumalam ‘yan sa umaga ang ibig sabihin nun alas nuwebe na, kailangan ko ng mag almusal. ang susunod na alarm n’yan pag alas dose na, oras ng tanghalian.
Jon Cabron: ah ganun ho ba?

.. andaming sinabi ni manong.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “orasan ni manong driver ng pedicab”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s