watta dei

napakatinding araw.
straight ako nung linggo sa trabaho mula 10pm hanggang 2pm kinabukasan. umuwi lang ako ng bahay para sana matulog tapos babalik ako ulit ng 10pm para sa normal na pasok ko sa mismong araw na ‘yun pero nung lumapat ang likod ko sa kama sandali, paggising ko nasusuka ako sa antok at pakiramdam ko tatalsik ang bola ng mata ko pag humatsing ako. hindi na ako tumuloy.
halos dose oras akong nakatulog, hindi pa ako magigising kung hindi nag alarm ‘yung celfone para gumising si polin dahil papasok na s’ya sa eskuwelahan. nabuwisit pa ako dahil hindi ko alam na nakakompormiso na pala ako hindi ko alam na kailangan kong magdala ng pagkain sa school nila ng tanghali at kailangan daw sakto sa bansang irerepresent ni polin. vietnam.
seryoso, sinong ordinaryong tatay na katulad ko ang nakakaalam ng kahit na anong uri ng pagkaing vietnam? kaya napagdesisyunan kong magdala na lang ng ice cream. hindi ako maniniwalang hindi kumakain ng ice cream ‘yang mga vietcong na ‘yan.
pero bago ako bumili nun, may isang misyon na inilatag sa akin ang kapatid ko. kailangan kong iatras ang sasakyan ko ng mga apat na hakbang lang naman, pero pataas ‘yung aatrasan ko kaya hindi ganun kadali … o ako lang ‘yun?  awa ng diyos nagawa ko naman s’ya ng matagumpay at walang gasgas ‘yung sasakyan. matapos ang may sampung pagsubok, ‘yung lima d’yan namatayan ako ng makina tapos ‘yung apat hindi ko napansin na naka taas pala ‘yung hand break .
pawis na pawis ako nung dumating ako sa eskuwelahan nila polin. ang hirap pala maghanap ng anak sa eskuwelahan pag hindi mo alam kung anong grade na s’ya. mabuti na lang may dalawang batang lalaki akong napagtanungan:

Jon: kid, kilala n’yo ba si polin?
.. nagtinginan ‘yung dalawang bata, parang nagtanungan sila sa pamamagitan ng mga mata nila
Jon: ‘yung ms. vietnam?
.. namaluktot ‘yung isang batang lalaki, ‘yung parang itsura mo pag biglang may malamig na hangin na dumaan sa katawan mo habang nagpipigil ka ng pagtatae. tapos nilingon s’ya nung isa sabay sabi..
Batang Lalake 1: hinahanap n”ya ‘yung crush mo, naks!

siguro mga kulang limang minuto silang nag tuksuhan tungkol sa anak ko habang nakatingin lang ako at naghihintay na ituro nila kung saan ang room n’ya. seryoso, pagkatapos nila akong samahan binalak kong kaladkarin sila dun sa nakita kong hagdan na walang tao tapos sisikmuraan ko silang dalawa bago ako umalis sana.
hanggang ngayon nagsisisi ako kung bakit ‘di ko ginawa.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “watta dei”

  1. Ang alam ko, ang pagkain sa Vietnam e mga sinungkitan ng mata at ginapos na mga batang lalaking may kras sa anak mo..

    Sayang, kung nagkataon, Little Miss International na si Polin, natupad mo pa ang gusto mong gawin sa mga bata..

    Hayaan mo, may next year pa naman..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s