maniwala ka, dahil sinabi ko.

hindi kayang sukatin ng tagal ng pagkakakilala mo sa isang tao kung ano at sino s’ya. hindi tamang batayan ang mga nababasa mo para matantiya mo ang tunay na lalim ng isang tao o kung gaano s’ya kababaw sa nakikita ng mata mo, maliit na bahagi lang ang pagsusulat sa napakaraming mukha ng isang tao. ‘wag kang magtiwala sa nakikita mo at sa inaakala mong tama dahil madalas ang mga banat na hindi mo nakikita at hinugot mula sa likod ang malakas na tatama sa mukha mo. surpresa.
masamang magsiguro sa alagang aso kung ang pagkaway lang ng buntot n’ya sa tuwing dumadating ka at tahimik n’yang pagkain ng inihagis mong buto ang batayan mo ng tapang n’ya. ‘wag kang maging palagay na laktawan s’ya ng dahil lang sa hindi s’ya kumakahol.  ‘wag kang magtiwala sa proteksyon ng kumot at kulambo. hindi lang babaeng lamok ang nangangagat, nangangagat din ang aso. para kang anak ko na akala yata kasing tanga ako ng iniisip n’ya na itago n’ya lang ang softdrinks sa likod n’ya habang kinakausap ko s’ya hindi ko na ‘yun mapapansin, o pag pinauwi ko s’ya at naglakad na ako papalayo magtatago lang s’ya sa poste at bibilang ng isa hanggang sampu bago bumalik sa pinaglalaruan n’ya.
mahuhuli ako ng nanay n’ya sa lahat ng posibleng paraan, pero hindi sa pamamagitan ng computer. mapapayuko mo ako sa lahat ng lugar pero hindi sa internet. mapapasok mo ang sarili kong mundo dito pero hindi mo ako p’wedeng talunin sa mismong nasasakupan ko ng hindi ka man lang pagpapawisan, bibigyan kita ng magandang laban.
hindi pa nagiinit ang puwet mo sa kinauupuan mo, mahimbing na akong natutulog. hindi p’wedeng matapos mong masiyahan sa panonood sa bawat galaw ko habang nakaupo ka d’yan ay bigla mo na lang maiisip na kalabanin ako sa mismong laro na alam na alam mo naman na pinagbeteranuhan ko na, at umasa na magtatagumpay ka. ‘wag kang mag ambisyon. hindi ako naligaw sa internet. tiga dito ako.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “maniwala ka, dahil sinabi ko.”

  1. :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod: :grinnod:

    ano ka ngayon …??? wahahaha yari kay ginoong cabron…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s