shing a ling

alam mo ‘yung mga pagkakataon na bigla na lang parang may sasanib na anong puwersa sa ‘yo para maghanap ng isang pagkain na hindi mo naman iniisip? bigla na lang pumasok sa utak ko kanina ang shing a ling, alam mo ba ‘yun? parang isaw na naka plastic tapos binebenta sa simbahan o kaya sa bus. alam mo ang kalimitang kalokohan ng ganyang sitwasyon? ‘yung maiisip mong kainin laging hindi abot kamay mo lang.  p’wede kang mamuhay sa bahay na puno ng mansanas o mabuhay sa pamilyang nagbabatuhan ng lechon pero hindi iyon ang hahanapin ng sistema mo. seryoso, alam mo ba kung gaano kalabo sa akin ang makatikim ng shing a ling sa mga panahon na ‘to? kakailanganin ko pang magsimba o bumyahe ng malayo sakay ng bus para lang makabili nun.
alam mo ba kung ano ang nadiskubre ko? sa calamba nagsimula ang pagkaing ‘yan. kung kilala mo ako, alam mong ako ang isang tao na walang kaplano plano sa buhay. nabubuhay ako sa pang araw araw at laging bahala na bukas pero iba na ngayon, naisip ko na kinakailangan kong tumanda sa isang lugar kung saan ako magiging masaya at walang ibang lugar na makapag bibigay sa akin ng kasiyahan na ‘yun maliban sa calamba dahil sa dalawang importanteng bagay.

shing a ling at ikaw.

una ang shing a ling at pumapangalawa ka.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “shing a ling”

  1. hahaha talagang minsan eh may napupulot akong kaalaman sau sir jon!
    shing aling pala tawag dun oh oh

    dito sa boni part may tindang ganun.. pero tingin ko mas masarap yung sa quiapo kasi mas madaming nadaan na sasakyan dun..

    mas marumi mas masarap hehe😀

  2. Meron akong nabasa dati, meron daw paraan ng pakikipagromansa
    na ginagamitan ng shing-a-ling. Di ko lang makita yung link..

    Maniwala ka, totoo yan – walang dahilan para gumawa ako ng istorya.

    1. yung shing-a-ling, na gawa lang ng flour at hindi sitaw, ay ginawa kung masustansya. una, wheat flour ang ginamit para masustansya na, tapos, nilagyan ng malunggay powder para mas lalong masustansya. Masarap, malinis at medyo mahal ng konti. malunggayshop.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s