sa iba

dalawang uri ng isang pares ang tao sa mundong ‘to. isang uri ng nagugustuhan ka at isang uri ng ayaw sa’yo, isang uri ng mas gusto ka sa isa at isang uri ng mas gusto ang kabila, bahala ka na kung kanino ka lilingon at sino ang paguukulan mo ng pansin. ako, ayoko ng makialam. hindi ako binabayaran dito para magkaron ng pakialam. nagbabasa ka ba ng blog ko? salamat, hindi ka nagbabasa? good. ‘wag mo na lang akong paniwalain na gusto mo ako kung isa ka sa huli. mapait sa panlasa ang tabletas ng katotohanan pero nawawalan ito ng lasa pag nalunok mo na, kung may aftertaste man o bumabalik sa pagdighay.. masasanay ka din dun. lahat ng bagay na paulit ulit gaano man kasakit sa pakiramdam o kapait sa panlasa nasasanay ang utak na tanggapin ito para utusan ang sistema mo na balewalain ito sa mga susunod pang atake.
pag daw sa isang klase na may sampung mag aaral at isa dun ang hindi makakuha ng leksyon ng guro, kasalanan at kakulangan daw ‘yun ng nagtuturo. pag isinentro ng guro ang buong atensyon n’ya sa mahinang magaaral na ‘yun, mabobobo ang buong klase. siyam na estudyante ang mawawala sa atensyon ng guro, sa pagtatapos ng klase ‘yung pinakamahina ang mangunguna, susunod lang sa kanya ang siyam na napabayaang estudyante.. delikado ang buong bansa sa bobong nangunguna sa klase , kasalanan ng guro.
tinanong ko dati ang sarili ko kung ano ang mahirap sa pagsusulat at ako rin ang nagbigay ng sagot,  kung papano mo bibigyan ng sariling kamay ang mga salita mo para kusang humigit at yumakap sa utak ng mga mambabasa mo. maniwala ka, pinilit kang hilahin ng mga letra ko at sinubukan kang yakapin ng mga salita ko pero nasa malayo ka at ikaw ang kusang umiwas. kasalanan ko.
ito ang araw na mas matalino ako kesa kahapon, haharapin ko ang mga mambabasang nagugustuhan ang mga isinusulat ko at nakakasabay sa mga sinasabi ko at hahayaan ko na lang ang mga katulad mong black and white ang tingin sa blog ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “sa iba”

  1. ay.. mainit pa rin ulo mo? mukhang hindi pa ata tapos ang laban… wag mo na lang silang pansinin. tama ka, mas pagtuunan ng pansin ang 9 na estudyante kesa sa isa.

    alam mo, bigla ko lang naisip… no konekment sa entry pero may konek dun sa estudyante theory… paano naman yung nagsasabing “your group is only as strong as your weakest member”. diba parang magka-iba sila ng pananaw?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s