sa lahat

mahirap lunukin ang tabletas ng katotohan. mayabang ako, mayabang dahil nakatatak sa utak ko na magaling akong magsulat at may pangalan ako sa mundo ng internet. pero sinampal ako ng katotohanan at tinadyakan ng realidad, wala akong kwenta at kahit anong pananakot pa at asta ng katapangan ang ipakita ko sa blog ko, isa lang akong katatawanan sa mundong ito. alam mo ‘yung pakiramdam na ang yabang yabang mo tapos gumuho lahat hindi lang ‘yung mundo kundi pati ‘yung pagkatao mo? ganun. nagtayo ako ng sarili kong rebulto na binasag lang ng katotohanan na wala akong kwentang magsulat. isa lang din ako sa mga bopol na kinahiligan kong alipustahin. matapang na bopol, tapang tapangan na bobo, angas angasan. nalunod ako sa mga papuri na hindi ko alam na pinaghugasan na sa iba bago pa ipaligo sa akin. sabihin n’yo ng OA pero hindi n’yo alam kung gaano kahalaga sa akin ang blog na ito. ito ang takbuhan ko pag masaya ako at pag nalulungkot, nagsusulat ako pag may kulay ang buhay ko at nagsusulat ako pag madilim ang mundo ko. mananakawan mo ko ng lahat pero hindi mo makukuha sa akin ang blog ko. ito ang mundo ko at buhay ko ang pagsusulat. mahirap lunukin ang katotohanan pero madalas wala kang pagpipilian. salamat sa lahat ng atensyon na aksidente n’yong naibigay sa blog ko at salamat sa mga pekeng papuri, lumaki ang ulo ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “sa lahat”

  1. iiwan mo na ang blog mo?😥 sayang, hihihilingin ko pa naman sana na this coming xmas, mapasama ako sa mga links dun sa gilid ng blog mo o. yung mga kablog. oh eh syempre biro lang yan. blog mo ito sir cabron, wala silang paki kung anong gusto mong isulat at ipakita dito. kung naiisip mo na 10 sa mga pumuri sayo dito eh 7 hanggang 8 ang kaplastikan lang, ikinagagalak kong sabihin hindi ako kasama sa estadistika na ibinigay ko. at oo ang gulo ko kausap. sahreee na. hehehe

  2. para sa iyo ito ginoong cabron,

    at ilang buwan na ako nagpaparoo’t parito, nagccheck kung may bago ka ng entry, at ano ang halaga ng pag kklik klik ko sa mga buwang nagsisimula kapa lamang magsulat, naroong nakukuha ko pang unahing buksan ang blog mong ito kaysa sa outlook ko dito sa kumpanyang pinagttrabahuhan ko. at ano ang silbi ng mga pang iimbita ko sa’yo at ang alok kong pakikipag kaibigan sa totoong buhay at ang mga paanyaya ko sa inyo ng mga itinuturing kong kaibigan sa blog sakali mang umuwi na ako dyan sa pilipinas…ibig sabihin, marami akong nakitang mabuting bagay sa iyo sa kabila ng mga kalokohan mo sa sarili mo…okay ang usapin dito ay blog mo…gusto kong ipaalam na marami sa mga sinulat mong pansariling pananaw mo ay nagsilbing itak na pang hawan ko sa kasukalang dinadaanan ko sa buhay…ikaw ang nagboboses ng mga salitang diko kayang ipahayag..at sobrang korni ng mga salitang nagagamit ko dito..pero isa lang ang sasabihin ko at sanaya pag aksayahan mo pa ring basahin…puta ka jon umayos ka, ituloy mo yan na parang pakiusap lang ng isang magandang babae..pare tagahanga mo ako…iloveyou…lolz

  3. ang blog mo (ay) blog mo. hangga’t wala kang direchahang sinisiraang tao, hangga’t hindi ka nananapak ng ibang tao, ng ibang website, hangga’t hindi mo ginagamit ang blog mo sa masamang paraan, walang pakialam ang iba kung ano ang isulat mo sa BLOG MO.

    kadali-daling mag-klick ng ibang website. May option ang bawa’t bisita mo na basahin ka o hindi. Kung hindi ka nila basahin, ok lang. Kung basahin ka nila, they have to remember the rule “My Blog, My Rules”. So kung ayaw nila, maghanap na lang sila ng blog na gusto nila.

    Kung hindi sang-ayon ang iba sa sinusulat mo, o feeling mo kunwari-an lang naman sila ng papuri sa iyo, ito na lang ang isipin mo: para ba kanino ang pagsusulat mo? Sa kanila ba o sa iyo? OO, masarap ang maraming nagko-comment at bumibisita sa blog mo, pero ikaw na rin ang nangsabi, outlet mo itong blog mo na ito. so whatever man ang marinig mo na sinabi ng iba tungkol sa blog mo , take it like a grain of salt. It does’nt matter. Hangga’t napapasaya ka ng pagsusulat mo, que se joda sa ibang tao.

    1. hindi basta kung sinong tao lang ang sumira ng tiwala ko sa sarili ko. natatakot akong baka hindi na ako makabalik sa dating ako. walang problema, baka nga masyado ng maraming oras ang nauubos ko dito sa blog, at gaya ng ipinapayo ko sa ibang mga “readers” ko… susubukan ko naman lumingon sa labas ng bintana at subukang tanawin ang mundo sa labas ng internet

  4. ‘sensya na ha, karir mode ko ang entry mo. kasi nung una akong nagbo-blog, may mga ganyan din sa akin. nung una, sakit-sakitan ako. nung huli na, hindi na nagmama-matter.

    payong kapatid lang sa pinoy blogosphere ang sa akin, pareng jon. hindi ako nagtataray ha… nagmamadali lang akong mag-type at nakikita kong padating ang bossing ko sa cube ko. 🙂

    Fish Out!😎

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s