ms. concepcion

isa sa pinaka maling akala tungkol sa akin ang pagiging mahilig sa away at bastos daw dito sa internet. hindi ko alam, pag ba ang opinyon ko e kakaiba sa opinyon ng nakararami, kabastusan na ba ‘yun? dahil ba alam kong ipaglaban ang kung anong alam kong tama para sa akin, pagiging basagulero na ba ‘yun?
ang totoo n’yan wala akong hilig makipag away sa net. seryoso, nakakapagagod. nagkataon lang na bihira akong magpalagpas pag alam ko naman na ako ‘yung nasa tama at kinakailangan kong ipaglaban ‘yun. kung sakaling makikipag away ka dito, papano ba malalaman kung sinong mananalo sa inyo? kung sino ang may pinakamagaling gumamit ng salita o kung sino ang may pinaka matapang na dating? walang katuturan. at sabihin mo ng mayabang ako pero kumpiyansa ako na kung iyan lang ang batayan matagal ko ng napatunayan kung hanggang saan ang kaya ko pagdating d’yan. hindi ko kailangang magmura para iparating ko sa mga tao na galit ako at hindi ko kailangang maging bastos ang bibig ko para palabasin ko na matapang ako. kaya kong ipakita sa blog ko yung tapang ko at kaya kong paglaruan sa blog ko ‘yung sarili kong kahinaan.. wala kang mapapala sa akin kung makikipag away ka.
at sa dami ng sitwasyon na nanindigan ako at ipinaglaban ko kung ano ang alam kong tama, sa tingin mo may mapapala pa ako kung makikipag away ako sa kahit na kanino? wala na siguro. pakiramdam ko nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin at nagawa ko na ang dapat kong gawin.  marami akong naririnig sa likuran ko na sabi daw ni ganito at ganyan na mayabang daw ako, na mahilig akong mambara kaya ayaw nila sa akin. tinanong ko ‘yung nagsabi kung anong pangalan? malamang sa hindi, hindi ko kakilala. kung pamilyar man, dahil nababasa ko sila na nagko comment sa ilang mga entries ko. makinig kayo sa akin, kung ayaw n’yo sa akin dahil mayabang ako ‘wag mong pansinin ang blog ko. kung nagugustuhan mo ang mga sinusulat ko pero ayaw mo sa akin bilang tao, sira ang ulo mo.
at itong nakaraan, merong isang lumang kwento na kailan lang nabuksan sa mata ko. meron isang babae na nagugustuhan ang pagsusulat ko at tinawag ang pansin n’ya nung isang babaeng “kaibigan” n’ya at tinanong “bakit si jon cabron? ang yabang kaya n’yan” binara ko daw s’ya sa isang forum kase. kinailangan ko pang himayin ang mga detalye para malaman ko kung saang forum ‘yun at kung bakit nangyari ‘yun pero isa ang kinlaro ko sa kausap ko, dahil hindi ko naaalala na ginawa ko ‘yun malamang wala lang sa akin ‘yun, walang personalan.
simple lang ang pinagmulan ng istorya, nag gawa s’ya ng thread  sa isang forum kung ano daw ang mga ayaw namin na blog. tatlo ang isinagot ko at ‘yung huli sinabi ko na ang retarded ng mga blog na puro tags ang laman na wala naman mga kwenta katulad ng blog n’ya. may nasabi ba akong masama? kelan pa naging masama na sumagot ka ng katotohanan sa isang tanong?
seryoso, kung hindi pa napagusapan ang issue na ‘to at hindi ko pa nakita ‘yung palakang avatar mo, hindi ko maaalala na ikaw pala ‘yung tinutukoy na ‘yun at dahil hindi kita naaalala ang ibig sabihin lang nun, wala kang kwenta sa akin.
at hindi ako nagulat na bigla ka nalang parang naglaho sa mundo ng internet. bakit? dahil nga wala ka naman kwenta.
maniwala ka, alam ko.

update:
dalawang bagay ang nakalimutan ko sa entry na ‘to.
una itong screenshot at pangalawa,
na burahin ang pangalan n’ya sa pic.
sorry.

Screenshot

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “ms. concepcion”

  1. sa plurk ba naganap ang mga kaganapang iyong isinaad na naganap noong naganap ang mismong kaganapan?

    at bakit ko ba tinatanong? may kakayahan ba akong halungkatin ang nasabing thread?

    ahm, ako man eh nasabihang “abrasive” raw sa pagkukomento sa mga thread. you’re nots alones.

  2. ang mahirap sa internet puro monitor ang kaharap mo at keyboard ang bibig mo. pustahan tayo sa harapan at sa tunay na buhay, hindi naman nila magagawang sabihin yung mga komento nila tungkol sa iyo. naniniwala akong mas likas kasi sa tao ang plastic kaya kapag may brazen enough para magpakatotoo ang sama na daw ng dating.

    1. monitor ang shield at keyboard and sandata ang dali ngang maging matapang pag ganun

      tulad n’yan, sumagot lang naman ako sa tanong n’ya at talaga naman ang retarded nung mga tags sa blog n’ya… apat na sunod sunod na entries na puro tags? gusto ko s’yang pagbayarin ng salapi sa ilang minuto kong inilagi sa blog n’ya.

  3. hehe. parang alam ko yang thread na tinutukoy mo. pero shempre, di ako sure.

    bastos isn’t a word i’d use to describe you. ma-angas siguro pwede pa. kse ano ba ang maangas? hindi natatakot sabihin ang gusto nyang sabihin porke baka hindi magustuhan ng pagsasabihan nya ang sasabihin nya (ay parang nalito ako sa statement ko).

    pero i always imagine na tahimik ka sa personal. yung tipong yung mga real close friends mo lang makakapag-paingay sayo, tipong ganun.

    1. at ang ano d’yan e nagtanong s’ya.. sumagot lang ako at talaga naman retarded ‘yung nabasa ko sa blog n’ya na mga tags.
      hindi ba ganun naman talaga dapat? kung hindi, ituturing ko na isa ‘yun sa maling pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko.
      tama, para akong isda kailangan ko munang pakiramdaman ang nasa paligid ko sa unang beses na inilagay mo ‘ko sa bagong lalagyan bago ako lumangoy ng malaya.
      .. wala akong batayan sa huling sinabi ko dahil wala pa naman akong nakakausap na isda, wag mo na lang intindihin. kakagising ko lang.

  4. at oo nakakarelate na naman ako sayo sir cabron. ako nga eh umiiwas na lang sa taong yun. iba iba ang pageestima at pagaanalyze ng mga tao sa mga tao sa blogosperyo. at isa ka sa mga taong naiintindihan ko na ganyan ka talaga, simula nung maligaw ako dito sa pahina mo.

    kasi may ibang tao na sa simula eh akala mo kung sinong sakdal linis at talino, yun pala matapos ang ilang mga buwan at taon, lumabas ang tunay na kulay, ‘sing hindot pala ng mga taong hindot, at ‘sing dumi ng mga putik na pumatay sa maraming tao sa marikina, pasig at cainta. OOOPPPSSS may clue. hahahaha

  5. eh ikaw naman kasi… minsan siempre may tamang pagsabi ng mga bagay-bagay. oo nga’t puro tags ang blog nya, eh blog naman nya yun. gawin na nya lahat ng gusto nyang gawin dun. kaligayahan na lang nya yun. kung di mo type, move on ka na lang sa next na website, wag nang balikan for ever en ever.

    eh pwede mo naman kasing sabihin na “mga blogs na puro tags.” <— PERIOD! Bato-bato na lang sa langit, diba?

    if you think you're just being honest, minsan siempre, you have to be more careful of how you say it, or whether or not you should even say it. like you mentioned, walang mukha, walang boses ang internet. minsan kahit hindi natin mine-mean, baka sa nagbabasa, iba na pala ang dating sa kanya nun.

    payo lang ang akin, ha… 2-cent worth na opinion. different perspective lang…

    1. nagtanong s’ya sumagot ako, hindi ako basta pumikit at umikot ikot tapos nagkataon na naituro ko ‘yung blog n’ya. mas gusto kong maparusahan sa pagsasabi ng totoo kesa mapuri sa pagsasabi ng kasinungalingan o magmukhang kaibigan dahil sa pagkikibit balikat lang.
      sa totoo lang flamebait naman talaga ‘yung tanong na ‘yun parang nagiimbita ka ng mga tao na bumato sila sa ere tamaan ang tamaan, kung malakas ang loob mong magtanong ng ganun dapat matapang ka din sumalo ng mga sagot na tatama sa’yo.
      pero salamat ate sienna, alam mong naiintindihan ko ‘yung 2-cent worth mo, naglalaro lang ako..😉

      oh by the way glessy fucker kung nababasa mo ‘to, ngayon siguro alam mo na kung ano ang ibig sabihin ng totoong mayabang.

      1. korek ka dyan! kung matapang, dapat talagang matapang, diba? eh kaya nga minsan nakakainis ang internet kasi maraming nagtatago sa harap ng mga computer nila tapos hindi naman nila masustain yung mga bine-bait nila.

        hayyy naku… life talaga…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s