kahapon

alam mo ang hirap sa ating mga tipikal na pilipino? ‘yung pagiging historian natin. ‘yung ang layo layo na ng narating ng kwento ng buhay mo pero babalik at babalik ka pa rin sa unahang bilang. andami dami n’yo ng pinagdaanan ng minamahal mo pero babalik at babalikan pa rin ng utak mo lahat ng nakaraan n’ya at hahalukayin mo pa rin ‘yung mga maling nagawa n’ya nung mga unang panahon pa. hindi tayo magkakaron ng bagong bukas kung hindi natin iiwan ang lumang kahapon, hindi p’wedeng magsabay ang kahapon at ang ngayon at hindi p’wedeng mag abot ang nakalipas at ang hinaharap. kailangan mong bumitaw sa isa para makakapit sa iba. kailangan mong talikuran ang lumipas para maharap mo ang bukas.
isang tapang at isang lakas ng loob, tapang na iwan ang nakasanayan na at lakas ng loob na humarap sa bagong hamon. parang pagda drive din ang buhay focus sa harap para sa mga desisyon mo sa buhay at sandaling lingon sa likod para sa mga desisyon ng ibang tao na dapat mong ilagan kung sa tingin mo ay makakaapekto sa paglalakbay mo ito. pag nagkabaliktad ‘yan at mas tinutukan mo ang likod mo kesa sa harap, wala kang mararating iikot at iikot ka lang.
ano ang punto ko dito, panahon na ng teknolohiya ngayon at madami ng mga misteryo ang napangalanan ng siyensya at mga gamot na nadiskubre para sa mga iba’t ibang sakit, masyado ng malawak ang narating ng panahon at malayo na ang nalakbay ng mga tao kaya sana ‘yung mga lumang jokes na kasing luma na ng kahapon lalo na’t korni naman e pakiiwanan na lang natin  sa nakalipas. kaninang umaga habang papasakay ako sa jeep sumigaw ‘yung kasamahan ko dito sa trabaho na naghatid sa akin.

walang pambayad ‘yan!

walang pambayad ‘yan!

seryoso, pagkaupo ko sa upuan ng jeep at paglingon ko ng matalim sa kanya nahiling ko na sana biglang may lumitaw na isang malaking malaking pusa tapos kainin s’ya ng buong buo mula sa ulo habang papalayo ang jeep na sinasakyan ko at nakikita ko pa s’yang kumakaway sa akin at ngiting aso.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “kahapon”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s