teh mighty one

magtatatlong taon na mula ng binuksan ko ang utak ko sa publiko sa pamamagitan ng blog na ito. aaminin ko na ang hangad ko lang nung una ay mambuwisit ng mga tao sa internet at magbigay ng mga opinyon ko na lihis sa tipikal na opinyon ng mga normal na manunulat na nababasa n’yo. halos lahat kalokohan, walang kaseryosohan.
gamit ang matalas na dila at utak na radikal. mapanganib, nakakasakit dalawang bagay ang iniwasan kong maging putahe ng blog ko. relihiyon at pulitika.. dalawang bagay na nakakaumay pagusapan. hindi kaya ng panlasa ko at hindi tanggap ng sistema ko.
at isang bagay ang iniwasan ko. ang magkaroon ng mga kaibigan. ayokong maging sensitibo sa pakiramdam ng mga tao sa paligid ko. naaalala ko nung bata ako, andami kong laruan pero hindi ako mahilig makipag laro sa ibang mga bata.. nasisira ang kwento ng laro pag may ibang nakikisali. magulo. kung gusto mong pumunta sa bahay namin at makipag laro sa akin, papahiramin kita ng laruan pero dun ka sa kabilang sulok. gumawa ka ng sarili mong kwento, ‘wag mong pakealaman ang laro ko.
totoong masaya ‘yung may nakakausap ka na kaibigan sa online world, nakakalibang. pero ikinalulungkot ko na hindi ako katulad ng iba, hindi ako pumapasok sa internet para maglibang o makipag kaibigan.. ang gusto ko lang talaga, magsulat.
napansin ko na nahihirapan akong magsulat habang dumadami ang mga nagiging importanteng tao sa akin dito. iyon din siguro ang hirap ng hindi seryosong tema ng blog ko. naiilang akong bumanggit ng ilang sakit dahil may mga kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay o kasalukuyang nakikipag laban sa sakit na ‘yun. gusto kong ientry na kung pangit ka at mataba at may plano ka pang mag asawa ‘wag kang mag aral sa la salle… pero baka may maoffend akong dalawang uri ng kaibigan. isang tiga lasalle at ilang pangit na matataba. kaibiganin natin ang matatabang babae dahil sila ang magiging susi natin sa tropahan ng magagandang babae, .. madaming masasaktan.
kung ano ang pagkakakilala n’yo sa akin sa blog ko hindi naman ganun kalaking eksaherasyon ‘yun sa tunay na buhay, maaaring hindi ako ganun kaingay katulad ng iba pag nakaharap mo ako pero sinisigurado ko sa’yo na ako pa rin ang taong inaasahan mong unang tatayo para sa mga kasamahan kong pinipilit umupo ng kung sino, hindi kita bibiguin.
p’wede mong ibato sa akin lahat at baka  sakaling mapalagpas ko pa ‘yun pag itinuring kitang kaibigan. kaya kitang pag aksayahan ng oras kahit kelan mo gusto pero isang bagay ang iiwasan mo, ang pakialaman ang mga nasasakupan ko. maaring isipin mo na wala lang sa akin ‘yun kaya ako tahimik dito, pero ang totoo hinihintay ko lang maubos ‘yung pagtingin ko sa’yo bilang kaibigan, maniwala ka sa akin.. hindi ka mabibigo sa gusto mo. kilala mo naman ako pag nagumpisa.
binary lang ang pagtingin ko sa buhay, one at zero lang. masaya o malungkot, itim o puti, maliwanag o madilim, kaibigan o kaaway.. walang gitna. at kahit gaano ko man iwasan na makipag batuhan ng putik sa isang kaibigan na pareho naman na sa sariling katawan namin tatanggalin ‘yung putik na ‘yun, baka wala akong mapagpilian.
wala pa akong nakikitang away sa internet na posible kong atrasan,
at wala pa akong nakikitang tao sa internet na p’wede kong pangilagan.
..pare pareho lang naman kayo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “teh mighty one”

  1. nainggit ako kay popoy, para sa isang number sa 1 to 10 na listahan mo…pero ang pagpili ay ayon sa iyong sariling kapasyahan…ehem about sa entry…ang masasabi ko lang ay amen kahit hindi naman ako relihiyoso na sa pagkakaalam ko ay kapareho mo…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s