long

sa loob ng dalawampu’t siyam na taon wala kaming naging problema nito. dalawampu’t siyam na taon na maayos ang relasyon naming dalawa. katulad ng iba, walang masamang tinapay sa amin, walang bad blood. hindi ko man s’ya halos napapansin o tipong pinapakitaan ng pagpapahalaga ganun lang ako talaga kahirap magpakita ng emosyon. hindi ko na kailangang ipakita sa kanya kung paano ako mag alala pag may butlig s’ya at hindi ko na kailangang iparamdam sa kanya kung papano ako maapektuhan pag may sakit s’ya.  wala ako kahit na anong issue sa kanya.
nagbago lang ang lahat dahil sa isang hindi maingat na komentong sinabi sa akin ng harapan, diretso sa mukha ko. at mula nun, nagbago na ang pagtingin ko sa kanya.  parang kasing gaan na ng lobong puno ng hangin ang self esteem ko. tuwing may makikita akong picture ko lagi nang sa ilong ang diretso ng paningin ko. naconscious ako bigla sa ilong ko, naalala ko ang kwento ni adan at eba na hindi sila aware dati sa kahubdan nila pero nung natukso sila dun lang sila nagkaron ng malisya at simula nun nagbago na ang lahat sa kanila. sa kaso ko naman, literal na may tumukso sa ilong ko at buhat nung naging iba na ang pagtingin ko sa kaitsurahan ko.
ang yabang ko pa dati na “sos e ano naman kung 3 inches lang ‘yan at least nakatago ‘yan wala sa mukha!” .. twenty nine years na akala ko iyon lang ang major defect sa pagkatao ko, nakatago at kung sino lang ang magmamahal sa akin s’ya lang ang makakakita dahil sa pinanghahawakan kong manipis na hibla ng katotohanan na syempre kung mahal n’ya ako baka sakaling mabulagan  s’ya sa kung ano man ‘yun na kakulangang madidiskubre n’ya. pero hindi pala, nasa sentro pala ng mukha ko ang isang mayabang na pagpapatunay kung gaano kapangit ang lahi ko.
1_252206417l
ang ilong ko na para daw ilong ng negro. pang matapang ang itsura dahil daw nakabuka.

LETSE!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

21 thoughts on “long”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s