kadurdur

alam mo kung anong isa sa hindi ko maintindihang utak ng tao? ‘yung mga mag asawang mama at papa ang term of endearment nila sa isa’t isa. ok, pwede kong intindihin na nung una iyon ang sinadya nilang tawagan para hindi malito ang mga sanggol na anak nila kung sino ang tatay at sino ang nanay sa kanilang dalawa at siguro dahil sa tagal nakasanayan na nila pero sana naman magkaron sila ng takdang panahon kung kelan nila ihihinto ‘yung tawagan na ‘yun. parang ang lumalabas sila pa ‘yung naimpluwensyahan ng bata para magtawagan ng ganyan imbis na ang bata ang natuto sa kanila, ‘wag nilang tanggalan ng intergridad ang katawagang mama sa nanay at papa para sa tatay. ipaubaya nila sa mga bata ‘yun. siguro nga hindi ako dapat nakikialam pero gusto ko lang ipakita sa inyo kung saan ako nanggagaling.seryoso, kahit nasaang lugar ako at may naririnig akong mag asawa na nagtatawagan ng ganyan hindi ko maiwasang hindi mapangiwi sa mapait na panlasang nalalasahan ko at hindi lang anim o higit pang beses na aksidenteng napuno ng laway ang bibig ko dahil sa biglang paglapot nito dahil sa pandidiri. naiimagine mo ba pag solo na lang ‘yang mag asawang ‘yan sa kwarto nila at naiisip mo ba ‘yung posibleng bulungan nila habang nagyayarian sila? “oh mama ito na isasagad ko na!” NAKAKADIRING ISIPIN! “sige pa papa, bilisan mo pa!” NASUKA AKO NG KONTI SA LOOB NG BIBIG KO. kung normal kang magisip at hindi mo kilala ang naguusap na ‘yan halimbawang aksidenteng narinig mo lang habang papadaan ka sa labas ng kwarto, anong iisipin mo? tama, nakakasulasok na relasyong incest.
at alam mo kung ano pa ang isang tawagan ng magkarelasyon na hindi ko alam kung papaanong natanggap ng mundo? baby. kung babae ako at meron akong bagong karelasyon at tinawag n’ya akong baby, seryoso, tutuhurin ko s’ya sa bayag at ipupukpok ko sa ulo n’ya kung ano mang bagay ang kauna unahang maaabot ng kamay ko. naniniwala ako na kung sino man ang lalaking makakaisip tumawag ng ganun sa girlfriend o asawa n’ya.. merong madilim na pagka pedopilya sa pagkatao n’ya na naghihintay lang ng pagkakataon para umatake.

at ikaw lalake, isipin mo ‘to… sa bawat pag ungol mo kasabay ng paghalinghing ng salitang baby, sa isang banda ng langit may mga anghel na nababalian ng pakpak.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “kadurdur”

  1. nanay at tatay ko nung maliit pa ang ate ko (panganay namin) tatay at nanay ang tawagan dahil nakikigaya ang ate ko sa tawag nilang “ling” sa isa’t isa…

    pero simula nung nagkaisip na ako, hindi ko na inabutan ang panahong nanay at tatay ang tawagan nila…dahil me isa na silang supling na gagabay sa nakababata nyang mga kapatid kung pano tawagin ng tama ang mga magulang…

    nakagisnan ko na silang “ling” ang tawagan sa isat isa…

    wala lang nasabi ko lang…

    pero yung baby na tawagan…ahhhhmmm..mukhang marami ng anghel na nabali ang pakpak dahil sa akin… :no:

  2. ang alam ko nga kaya ganyan ang tawagan nila kse ang anak ginagaya yung tawagan nila sa isa’t isa. may dating friend nga ang nanay ko ang tawag nya sa panganay nyang anak ate. at sa pangalawa eh kuya para yung 2 pang sumunod na anak e ganun din ang itawag.

    ang nanay at tatay ko, ‘rog ang tawagan nila. from ‘irog’ daw. nung nalaman ko ang pinagmulan, sabi ko sa nanay ko, ang korni. hehe. ang nakakatawa may isang tiyahin ang nanay ko akala nya ‘rog talaga pangalan ng tatay ko. kaya yun din tawag nya.

    eh ikaw ano tawag mo sa misis mo? kami, antuken tawagan namin. kei, fine di mo tinatanong. nasabi ko lang.πŸ™‚

    1. pag narinig kong tinawag ng tatay ko ang nanay ko ng “baby” dudura ako sa kamay ko tapos ihihilamos ko sa kanya. seryoso.

      ang tawag ko sa misis ko ay “nanay ng anak ko.”
      pakiramdam ko kailangan ko talagang malaman ‘yang impormasyon na ‘yan. tnx

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s