lola na lumuwas ng maynila kasama ‘yung apo n’ya na pamasahe papunta lang ang bitbit at hindi man lang sila nasabihan na nakalipat na pala ng tirahan ‘yung kamag anak na pupuntahan nila kaya wala na silang pamasahe pauwi ng probinsya

kagabi sa alabang habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng bus ilang minuto pagkababa ko ng bus na sinakyan ko papunta dun, may kumalabit sa akin at bumulong.. isang matandang babae na may akay akay na batang lalaki na iisipin mo agad na apo n’ya. “anak, pasensya ka may pinuntahan kase kaming kamag anak  d’yan sa banda d’yan galing pa kaming batanggas, ‘di ko naman alam na hindi na pala d’yan nakatira” bigla ang flashback sa akin ng mga kaparehong senaryo “e wala na kaming pamasahe pabalik ng batanggas, baka p’wedeng makahingi ng kahit magkano lang” sa dalawampu’t siyam na taon ko dito sa mundo labing siyam d’yan bumibiyahe na akong mag isa at siguro hindi lang pang bente ang maglola na ‘to na kumalabit sa akin para manghingi ng pamasahe sa kaparehong dahilan.
nagkakaiba lang sa lugar ng pinuntahang lugar, kamag anak na binista, at lugar ng babalikang probinsya.. pero laging ganun na isang matandang babae at isang bata. seryoso, ilang maglola pa kaya sa mundo ang aksidenteng bibisita sa isang kamag anak nila dito sa maynila na sa kasamaang palad ay lumipat na pala ng bahay ng hindi man lang sila nasabihan kaya pamasaheng papunta lang ang nadala nila ang makakasalubong ko sa buong buhay ko? sana naman tutal september na ngayon sana pagkatapos ng taon baguhin naman nila ‘yung script nila tsaka ‘yung buong kwento, sobrang gasgas na kase pakiramdam ko ‘yung kauna unahang nabiktima ng ganyang kwento e matagal ng namatay at baka nga bulok na sa ilalim ng lupa. t’saka eto pa, papano naman ‘yung mga lehitimong lola talaga na lumuwas nga ng maynila kasama ‘yung apo n’ya at pamasahe papunta lang ang bitbit nila tapos hindi man lang sila nasabihan na nakalipat na pala ng tirahan ‘yung kamag anak na pupuntahan nila? papano pa sila makakahingi ngayon ng pamasahe sa kalsada? sana talaga ibang diskarte na lang gawin nung mga manlolokong ‘yun o kaya mandukot nalang sila p’wede naman nilang pag aralan ‘yun e ang hirap lang kase sa ilang masasamang tao dito sa pilipinas antatamad ang gusto ‘yung nanghihingi na lang. bah! bakit pa kailangan kong ipasok ‘yung kamay ko sa bulsa ng pantalon o bag n’ya e p’wede ko naman gawing kawawa ang boses ko tapos magsasama ako ng bata na mukhang laging pagod para magkapera ako. tsaka dun sa itsura nung matandang kumalabit sa akin sa alabang kagabi, mukhang malakas pa naman e p’wede pa ngang habang nagtitinda ng sampaguita sa labas ng sinehan ‘yung apo n’ya p’wede pa nga s’yang mang alok ng hand job sa loob ng sinehan e.. tamad lang siguro talaga s’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “lola na lumuwas ng maynila kasama ‘yung apo n’ya na pamasahe papunta lang ang bitbit at hindi man lang sila nasabihan na nakalipat na pala ng tirahan ‘yung kamag anak na pupuntahan nila kaya wala na silang pamasahe pauwi ng probinsya”

  1. anoba… ikaw ba type mong bigyan ka ni lola ng handjob habang nasa sinehan ka?

    sabi nila mas mabuti pa nga raw ang mamalimos kesa sa magnakaw. altho kung nagsisinungaling sila at gumigimik lang, medyo para na rin silang mga magnanakaw. so parang patas lang.

    siguro mas mabuti pa, pag ganun, dalhin mo sa dswd. sabihin mo, bibigyan sila ng pera ng mga tao dun. o dikaya, isasakay ng libre sa fiera pabalik ng batangas.

    pwede diba?

  2. eh baka naman kase walang cellphone si lola kaya hindi naabisuhan ng kamag anak nila na lumipat na sila…? hindi din? k

    super laos ng style…tsaka bakit naman batanGGas pa eh ang lapit lang non sa manila sobrang mura ng pamasahe.

    sana naman tong si lola next time eh kunyare galing pang mindanao, para naman malaki ang malikom nyang salapi mula sa mga eng eng na maloloko nila or pedeng TIGILAN na lang nila yung ganong gawain kawawa naman yung ibang totoo na yung kwento tapos ang dating nag dadrama pa din…

    batanggas… :no:

  3. ilang beses na rin may lumalapit saken ng ganyan. kaso paranoid ako. natatakot kse ako na baka ma-hypnotize nila ako at ma-budol budol. mahirap na. baka biglang lahat ng kaperahan ko sa bangko e ma-withdraw ng di oras at maibigay sa kanila. kaya ako, matic, basta may kumakalabit, lumalayo talaga ako. very un-christian, i know. kaya lang, better to be safe than stupid (at mabiktima) di ba. hehe.

    minsan narinig ko ang isang pulis, sinabihan ang isang pulubi na gumaya dun sa nagtitinda ng yosi (yung mga takatak boys), kahit papano, nagsisikap kumita ng pera, imbes na namamalimos sya. ang sagot, mas madali daw mamalimos, kse laway lang puhunan. sa yosi, hahanap pa ng pera pampuhunan. ganun na ba ang pagiisip ng mga tao ngayon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s