plrrrk

nagising na lang ako isang umaga na hindi ko na makilala ang lalaking kaharap ko sa birtwal na salamin. nanibago ako, hindi ko nagustuhan ang nakita ko at nagdesisyon ako. mahirap kung tutuusin dahil mahigit isang taon din akong tumambay sa lugar na ‘yun, mahigit isang taon din akong tumawa at nakitawa kasama ng mga taong nasa lugar na ‘yun pero may isang katotohanan ang buhay na kailangang tanggapin, hindi lahat ng tumatawa ay masaya.
kung babalikan ko ang simula bago ako napadpad dun at titignan ko ang katapusan ng kwento bago ko iwan ang lugar na ‘yun masasabi ko na isang matagumpay na paglalakbay ang pinagdaanan ko. nakilala ko ang mga taong gusto kong makilala at may mga bonus pang dagdag na kung titignan ko mas mga naging importanteng tao pa nga sa akin kesa dun sa mga minisyon kong mga tao na kinilala ko.  sisihin natin ang social anxiety disorder at ang natural na pagiging hindi ko sanay makihalubilo sa iba sa sitwasyon na ito pero hindi ako makapag sulat at makapag kwento ng maayos pag maraming importanteng tao sa paligid ko, nagiging sensitibo ako. nagiging maarte. at minsan malandi.
hindi ko buburahin ang bakas ko sa daigdig na dinaanan ko. sa mahigit dalawampung libong bakas, magmumukhang tanga ang mga kausap ko pag nagbura ako. hahayaan ko na lang ‘yun do’n, susubukan kong basahin pag hirap akong makatulog.
maraming salamat sa mainit na pagtanggap. seryoso, nag enjoy ako at may mga pagtawa ako sa harap ng monitor ko na baka hindi ko na magawa ng wala kayo at wala ang mundong ‘yan, pero sabi ko nga sa ganito ako masaya. hindi importanteng tumatawa ka, ang mahalaga kung masaya ka ba.

paalam mga kaibigan ko sa plurk, hanggang sa muli.
at sa lahat ng natutuwa na wala na ako d’yan, hangad ko ang kamatayan sa buhay n’yo sa mundo ng internet. ‘yung ubod ng sakit at dahan dahan.

Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “plrrrk”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s