naisip ko lang

hindi ako nakapasok kanina, kagabi pa masama ang pakiramdam ko. maraming salamat sa ulan at sa katamaran kong magbitbit ng panangga sa kanya. masarap din minsan ‘yung mag isa ka lang sa bahay, pumasok sa eskuwelahan ang anak mo at nasa trabaho ang nanay n’ya. masarap magpayakap sa lamig ng ulan habang mag isa ka lang na nakahiga sa bagong palit na kubrekama ng higaan n’yo. masarap paglaruan ang sistema mo sa pamamagitan ng pagtutok ng todong electric fan habang nakapamaluktot ka sa higaan at natatabunan ng mga unan at kumot.
at matapos mong kunsintihin ang malalaswang hatid sa utak mo ng kumbinasyon ng lamig at ng pag iisa at ng mabilis na internet connection at malambot na rolyo ng lumang dyaryo, balik ka na naman sa higaan.. wala ka ng pagaganahin kundi ang utak mo. masarap magrelaks.
isang bagay ang naisip ko habang nakahiga at nakatunganga. grade 5 lang ako nung una akong pumasok sa pakikipag relasyon. nakailang palit din ako bago ako nagsawa at nagpasyang “pansamantalang” manatili na lang sa isang relasyon. masasabi kong nakasalamuha ko na halos lahat ng uri ng babae. at kung sasabihin mo na imposible ‘yun at nagyayabang lang ako, uulitin ko sa’yo na ang sabi ko e “halos” ‘ ..wag kang tanga.
may naging girlfriend ako na iskwater gangter na kasama kong nakikipag batuhan dati nung may senakulo malapit sa amin, may babaeng estudyante, babaeng masamang anak, mabuting anak, koreana, tisay, ita ita, mataba, seksi, maganda, napakapangit, humihithit ng rugby, pokpok, mayaman, mahirap, mayaman na pangit, mahirap na mas pangit, blogger, chatter, at napakarami pang etcetera. pero isang bagay ang narealized ko kanina, wala pala akong naging girlfriend na marunong kumanta. hindi naman s’ya ganun kalaking kabawasan na katulad ng hindi ako nagkagirlfriend ng amerkana ..pero napaisip din ako kung bakit. hindi naman ganun kahirap kumanta lalo na pag babae ka, dahil likas naman talaga na malamig ang boses ng babae at malandi sa tenga. meron din naman iba na kinakantahan ako sa mga ilang tagpo ng relasyon namin, pero wala kahit isa ‘yung talagang masasabi mong panlaban talaga o kahit ‘yung simpleng naiimbitahan lang sa mga piyesta para kumanta o ‘yung tipong pag reunion ng pamilya nila, isa s’ya sa nirerequestan na kumanta. nakakapagtaka lang na kung iisipin mahahati lang pala sa dalawa ang mga nakarelasyon ko. isang bilang ng mga sintunado at isa para sa mga walang lakas ng loob.
at isa lang siguro ang katotohanan na dapat kong tanggapin at ng ibang kababaihan. kung maganda ang boses mo at naiimbitahan ka sa piyesta sa inyo at panlaban ka ng pamilya mo sa videokehan.. ikinalulungkot kong, walang naghihintay na relasyon sa ating dalawa.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “naisip ko lang”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s