oh hai sir

sir,
matinding awa ang naramdaman ko sa estudyanteng katabi mo. mula ata nung sumakay ka hanggang sa bumaba ako, sa ilong na lang nagpapalabas ng hangin para mapigilan ang paghinga n’ya.  nakita ko rin sir ‘yung bahagyang pag irap mo sa babaeng katabi ko nung nagparanig s’ya sa’yo ng isang pilit na ubo. gusto sana kitang abutan na lang ng dalawang piso para itapon mo ‘yung sigarilyo mo pero hindi ako nagkalakas ng loob para gawin ‘yun. ang totoo, maliban sa pilit na ubo na pinakawalan nung babaeng ‘yun wala na kahit isa sa loob ng sasakyan ang nagkalakas ng loob para sitahin ka o para paalalahanan man lang na hindi tama ang ginagawa mo. baka nung oras na ‘yun lahat kami natakot, mukha ka kaseng may pinag aralan at mukhang sa isang maayos na opisina nagtatrabaho.. at p’wede din na dahil sa anyo ng katayuan mong ‘yan, iniasa na lang namin sa lebel ng mentalidad mo kung ano ang tama at ano ang mali.

tobaccobill_1
hindi ka naman nag iisa, sir:
1. yosi kadiri
2. big C couple
3. mga gago
4. cancer stick

oh at tsaka, sundan n’yo ko sa twitter at plurk.
at s’yempre p’wera ka manong sir.
thanks.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “oh hai sir”

  1. ako nags-smoke din. pero hindi sa pampublikong sasakyan. ayoko rin kse na nauusukan ako habang nasa byahe. matinding usok na nga nakukuha ko galing sa mga sasakyan e. ayoko rin manigarilyo pag may mga bata sa paligid ko. lalong-lalo na pag may buntis. marunong akong makiramdam sa mga tao sa paligid ko. ang manhid naman nyang si manong.

    isa pang nakakasuya, yung mga jeep na may sign na “NO SMOKING”, pero yung mga drayber mismo naninigarilyo. anubayun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s