kung bakit ako pawisan nung araw na ‘yun

matulin akong naglalakad sa kainitan ng araw ilang minuto pag hudyat ng oras ng uwian sa opisina. tirik na tirik ang araw, alas dos pasado ng tanghali. medyo malayo din ang nilalakad ko bago makarating sa kalsadang dinadaanan ng jeep na sinasakyan ko para maghatid sa akin sa bus naman. sa mga oras na ganito, ang nakatodong volume ng mp3 player na nakasalpak sa magkabila kong tenga ang lumilibang lang sa akin.
halos takbuhin ko ang kalsadang iyon at eksaheradong may mga mabilis na hakbang ako na hindi na sumasayad ang mga paa ko sa lupa. ramdam ko ang walang patid na pagtulo ng pawis sa noo at likod ko.
wala naman talagang eksaktong dahilan kung bakit ko gustong makauwi ng maaga nung araw na ‘yun. masyado lang akong napagod sa dami ng ginagawa at pinapagawa sa trabaho at pakiramdam ko pag tumagal pa ako ng dalawang oras sa labas ng bahay namin kusa ang mapapahiga sa kung saan at makakatulog. parang sa sims.
swerte, iyon ang isa sa mga miminsang pagkakataon na tinatawag kong saktong perpekto sa pagmamadali sa pag byahe ko. ito ‘yung saktong pagdating mo sa kalsada may jeep na agad na masasakyan, papaalis na, at hindi nagsusuwapang ang drayber. perpekto.  nakasalpak pa rin ang tugtog sa tenga ko, nagkukulitan pa rin sila michael cera at ellen page sa version nila ng “anything else but you” na soundtrack sa pelikula nila. at ulol ka kung iniisip mong kabaklaan ‘yan. pawisan pa rin ako at halos napipiga ko na ‘yung panyong pamahid
napansin ko agad ‘yung babaeng kapatid natin na muslim na nakatayo sa may kalsada sa gilid ng jeep na sinasakyan ko habang nakatigil ‘to sa intersection, sobrang bigay na clue ang belo n’ya sa ulo.  nakuha n’ya na agad ang atensyon ko nun pa lang. maputing babae, matangkad, at may katawan, muslim nga lang. swerteng parang matapos n’yang makipagtalo sa sarili n’ya, sa jeep ko din na sinasakyan s’ya sumakay. nasa may hulihan s’ya at pangatlong tao ako sa may tapat n’ya. mabilis at otomatik na tumakbo ang utak ko sa mga posibilidad pwede kong iblog tungkol sa kanya, katulad ng kung papano natin nirerespeto ang mgakadugo nating muslim sa mindanao at kung papanong itinuturing ko silang mga kapatid din natin na nagkataon lang na napatira sa malayong lugar. unti unti ng tinutuyo ng hangin ang pawis sa katawan ko.
naputol lang ang pag iisip ko nun ng kinalabit ako nung nasa may tabi ko, kanina pa pala n’ya kinukuha ang atensyon ko at hindi ko lang s’ya napapansin dahil nakalubog ako sa pag iisip habang pinaghehele ng tugtog sa tenga ko at idinuduyan ng mga posibilidad sa amin ng babaeng pinaguusapan natin. tinanggal ko ‘yung isang nakasalpak sa tenga ko sabay tutok ng atensyon sa kumalabit sa akin, may inaabot s’yang barya.. sukli ko daw.
umiling ako at hindi na ako nakapag isip “baka dun ‘yan sa muslim!” sabi ko habang nakatingin at nakaturo sa babaeng ‘yun. at nasisigurado kong hindi nagustuhan ng kapatid natin na  muslim ‘yung sinabi ko na ‘yun base na rin sa pagkakasalubong ng kilay n’ya at padabog na pagkuha nung barya. “mag ingat ka sa pagsasalita ‘noy mura lang ang pamasahe sa barko” sabi n’ya. at nasisigurado ko na mas may malalim na dahilan pa ‘yung sinabi n’ya na ‘yun kesa sa paghahatid sa akin kung gaano kasarap mamasyal sa lupang tinubuan n’ya dahil sa mura ng pamasahe.
naisip ko lang, ano naman masama dun sa sinabi ko e muslim naman talaga s’ya at hindi ko naman ginamit ‘yung katawagan na ‘yun na parang isang masamang salita ‘yun. parang ano lang, kaninong sukli ito? dun sa blogger o kaya dun sa naka tshirt na pula, o kung may hawak na bibliya.. dun sa born again, ganun kasimple at nagkataon lang na muslim s’ya.
hindi pa rin n’ya ako nilulubayan ng tingin habang may binubulong s’ya. naging sobrang hindi kumportable sa akin mga sandaling ‘yun. nung nakita ko s’yang binunot ang celfone n’ya sa bulsa sabay nagtext.. iyon na ang hudyat para pumara sa drayber at matuling halos liparin ko ang pagbaba sa jeep na ‘yun kahit napakalayo pa ng dapat kong puntahan.
wala na akong baryang pamasahe ulit sa jeep. mainit pa rin ang araw, halos hindi na naman sumasayad ang paa ko sa lupa at basa na naman ang panyo ko.

.. oh at follow n’yo ko sa twitter. bakit? dahil sinabi ko.
tnxbye

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “kung bakit ako pawisan nung araw na ‘yun”

  1. hmm parang yan din yung naisip ko noon na sya mismo nagsasabi na panngit sya or ukay damit nya or di sya magaling.. pero pag ikaw nagsabi,magagalit sya…anong ikagalit kung sa yo nanggaling at totoo naman…
    ..siguro nagalit sya kasi nasanay na sila na pag ganon,may ibang connotation…kaya pala napupuno ng “kapatid” tong entry na to hehehe…

  2. 🙂 nakakatakot naman yung pagtitig sayo nung muslim.. anyway hayaAN nlang natin xa.. kanya kanya naman tayo ng interpretation dun sa mga salita,baka xa na ofFend at ibA pagkakaintindi nya..

    Hehe. DumaAn aq,kc nakita kitang dumaAn. Di ka man lang nagparamdam.. Ingatz!

  3. i think alam ko kung bakit sya nayamot…

    kasi parang minsan “profiling” ang nangyayari. Parang kung dito yan “sa mexicano yun…” or “dyan yan sa negro” or “para yan dun sa asyano” which is not acceptable. kasi nga very sensitive sila sa race issues. parang people should see pass my color, or my religion or my political views. people should see me as what i am – a human being. (medyo ma-drama yun, pero tutuo…)

    in a way, medyo may tag nga kasi. kahit yung “ibigay mo dun sa born-again,” profiling pa rin. tipong bakit hindi pwedeng “ibigay mo dun sa ale sa dulo” (imbes na muslim) or “yung mamang naka-puti” (imbes na “born again”)

    some people can be sensitive about their weight, their height, their physical imperfections – anything that has to do about their personal appearance. and they can be sensitive about their creed, their belief, their religion, their race as well.

    kay miss maganda, sensitive sya about being called as such.. not because she’s not proud of being “muslim” but maybe because she could’ve been referred to by something else aside from her religious belief. parang if you put yourself in her shoes at nasa saudi ka, medyo nakaka-iritang marinig yung “ibigay mo yung sukli dun sa kristyano”

    siempre isang kusing na thought ko lang naman ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s