pakipasok sa sintido

siguro dahil matagal na tayong walang ganito, siguro dahil madalas e umaasta akong isang mabuting kaibigan.. nagkakalimutan na tayo. seryoso, pinipilit ko ng umiwas sa away sa cyberworld dahil sa isandaan at isang dahilan. pero kung sa tingin n’yo e naboboringan kayo sa internet life n’yo at gusto n’yong bigyan ng kulay. sige, konti pa.. ibibigay ko sa’yo kung ano ang gusto mo at sinisigurado ko sa’yo na kung mapagusapan lang ang hinihiling mo, ibibigay ko sa’yo ‘yan. namnamin mo at pilitin mong mag enjoy.
kung ‘yung iba e hindi bumababa sa kinalalagyan mo para patulan ka, ibahin mo ‘ko dahil nakahanda ako kahit kelan para bumaba d’yan dahil mainipin akong tao at baka hindi ko na mahintay na ikaw ang umakyat kung nasaan man ako para magkasalubong tayo. at maniwala ka sa akin, papatunayan ko sa’yo kung sino ang mas magaling na tao sa ating dalawa. sana kung nararamdaman mong ikaw ‘to at naisipan mong sumagot, nakikiusap ako baguhin mo muna ‘yang style mo ayokong maging katulad ‘yan ng mga naunang entry mo na pagkatapos kong basahin ‘yung pamagat at makatapos ng ilang pangungusap bumabagsak na ang balikat ko sa panghihinayang sa bandwidth na nasayang ko sa pagbabasa ng obra maestra mo.
hangga’t hindi ka pa handa, libangin mo muna ang sarili mo.. baka masyado ka lang naiinip sa buhay mo. gawin mong produktibo ang sarili mo. magpalipad ka ng saranggola o magtanim ng puno. makipag usap ka sa mga mas nakakatanda sa’yo at maniwala ka sa akin na marami kang matututunan sa kanila, subukan mong magsimba at hanapin mo ang kapanatagan na kinakailangan mo, malay natin iyon lang pala ‘yun.. at pag preparado ka na ng mga makabuluhang salita na maibabato mo sa akin, sabihan mo lang ako.. pagsasayangan kita ng oras.

at hindi ko alam kung saan ka dadalhin ng impormasyon na ito pero seryoso, kahit may pinagsamahan tayo.. kung bibigyan ako ng listahan ng isandaang mga blogger na babasahin ko bago ako mamatay, hindi ko maiisip ang blog mo. at kung bibigyan ako ng pagpipilian para masayang ang oras ko kung pagbabasa ng blog mo o panonood ng yelong natutunaw sa kamay ko.. mas pipiliin ko na lang na tabunan ng lupa ang ulo ko hanggang makaidlip ako.

love and jesas,
teh mighty jon cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “pakipasok sa sintido”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s