nakakapagpabagabag

natakot ako kagabi. habang nasa harap ako ng computer bigla na lang namanhid ‘yung magkabilang pisngi ko hanggang leeg tapos sinabayan pa ng hilo tsaka bigla akong nanghina, ang una kong inisip mild stroke. may sinabi ‘yung kausap ko sa net na salita na nung hinanap ko sa net ang ibig sabihin e may baradong ugat sa puso ko. naisip ko, ah ok ‘di naman pala ganun kadelikado, alam naman ng lahat na wala naman namamatay pag nagbara ‘yung isang ugat sa puso mo dahil s’yempre ilan ba ang ugat sa puso? milyon. parang usok lang ‘yan ng sigarilyo, subukan mong humithit ng marami tapos takpan mo ‘yung ilong at bibig mo sabay lunok ng usok, saan lumalabas ang usok? sa mata at sa tenga di ba? ganun din ‘yun. logic lang. kung mabarahan ka man ng isa o kahit na sampu walang epekto ‘yun masyado sa sistema mo ‘di ba?
isa sa pinagsuspetsahan din namin ‘yung sugar ko baka tumaas na naman. isa daw kase sa sintomas ‘yung pamamanhid. napaisip tuloy ako at hindi ko p’wedeng hindi sang ayunan ‘yan na nitong mga huling araw, medyo napapa dalas nga akong kumain ng matatamis at uminom ng softdrinks at icedtea.  mukhang seryosong kailangan ko ng magpacheckup pero tulad nga ng sinabi ko dati alam ko naman na may sakit ako dahil nararamdaman ko, bakit pa ako magpapacheckup? pakiramdam ko lalo lang lalabas lahat ng epekto ng sakit ko pag nakumpirma ko ‘yun. hindi na kailangan, ingat na lang siguro talaga.
at sa seryosong usapan naman, walang problema sa akin na magkatigyawat kahit pa magmukha na akong ninja sa dami ng butlig sa mukha ko, ang inaalala ko ‘yung puwesto nila sa mukha ko at ang pinoproblema ko ngayon ‘yung pagkakapuwesto nitong dalawang tigyawat ko na isa sa may gilid ng ilong at isa sa may sintido. maniwala ka sa akin na hindi sila ordinaryong butlig lang, nakabukol sila at nakakapagpabagabag. seryoso, ilang gabi na akong bigla na lang nagigising ng sumisigaw galing sa pagtulog sa disoras ng gabi dahil sa bangungot na hatid ng dalawang butlig na ‘to sa mukha ko.
san maganda magpa derma? ‘yung hindi naman kabaklaan ang dating ha?! t’saka ‘yung mura lang, ano din ‘yung magandang panghilamos talaga? ang ginagamit ko ‘yung ponds na nasa sachet, ok naman s’ya kaso lang pag sinisipag ako maghilamos ‘yung tipong pagdating ng opisina, pagkatapos ng trabaho bago umuwi, tsaka pag uwi ng bahay at bago matulog. ang totoo epektib naman s’ya ang problema lang sa leeg naman sila lumalabas.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “nakakapagpabagabag”

  1. kung andito ka sana sa derma ko,magaling talaga sya,mura pa..pero kung ganyang anjan ka,ang ma-recommend ko,olay facial wash,almost parehong price din ng ponds pero walang sachet nito..makinis sa mukha ang paggising mo,soft pa din….and yeah,nakakapagpabagabag nga na mas inaalala mo ang pimples mo..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s