one rodrigo

sa tulad kong hindi naman nagtatrabaho sa isang istasyon ng telebisyon sobrang bihira na makakakita ka ng isang artista kaya ganun na lang ang tuwa ko kaninang umaga nung habang nakapila ako sa 711 malapit sa pinagtatrabahuhan ko, biglang pumasok ang isang lalaking may pamilyar na mukha. napigil ang paghinga ko at halos masamid ako sa sarili kong laway at muntikan ng malaglag ang mineral water na binili ko, ang artistang bagong dating ay walang iba kundi si juan rodrigo.
sino nga ba ang hindi nakakakilala kay amante ng pinakasikat na serye nung 1992 na mara clara? ang istorya ng dalawang karakter na nagkapalit ng buhay na ginampanan ni judy ann santos at babaeng makinis at mapanga na nakalimutan ko ang pangalan. at sino ba ang hindi nainis at nasuklam nung narealized natin na niloloko na lang tayo ng abs-cbn dahil ang diary na makakapag bukas sana ng lihim ng dalawa e limang taon pinagpasa pasahan. nakamatayan na nga ‘yun ng tatay ni juday sa tv at nakailang palit na sila ng oras dahil tinalo sila ni marimar ‘di pa rin n’ya mapasakamay ‘yung diary.
naniniwala ako na may malungkot na kabataan ang kung sino man na lumaking hindi man lang nakapanood ng serye na ito at naniniwala rin ako na may matinding impact ang kakulangan na ‘yun pagtanda ng taong ‘yun. anong pagkakapareho ni josef fritzl ng austria, hitler, at jack the ripper ng london? pare pareho silang hindi nakapanood ng mara clara kahit minsan sa buhay nila. ano ang punto ko d’yan? kung hindi mo napanood ang serye na ‘yan, pinagbabawalan kitang lumapit sa anak ko sa kahit na anong pagkakataon.
napakalaki ng naiambag ni juan rodrigo sa mundo ng showbiz bukod sa s’ya ang nagtataglay ng napakamachong pangalan sa lahat dahil naniniwala din ako na s’ya ang nagsimula ng trend na dapat kung mayaman ka laging pulido ang pagkaka trim ng bigote mo at lagi kang naka pajama dapat pag nasa bahay ka lang.

eto po s’ya.
0

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “one rodrigo”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s