ang babaing iyon

alam kong gasgas na ang mga kuwento kong patungkol sa mga kababaihang nakaka engkuwentro ko sa mga pampublikong sasakyan, baka nga hindi lang halos kalahati ng bilang ng mga entry ko dito sa blog na ito ay patungkol d’yan. sa takbo ng buhay ko na anim na araw sa isang linggo kinakailangang pumasok sa trabaho at kinakailangan sumakay ng dalawang jeep, isang bus, at isang pedicab para makadating sa opisina at isa pa ulit ganun para makauwi sa bahay, hindi n’yo naman siguro ako masisisi.
alam ko rin na maraming beses ko ng sinimulan ang kaparehong kwento sa salitang “iba ito” pero maniwala ka sa akin na iba talaga itong babaeng tinutukoy ko ngayon sa kwento ko. ibang klase ang dating n’ya at sa katunayan nasa maling jeep s’ya na sinasakyan at malayo pa ang lalakarin ko pagbaba kung dun ako sasakay pero hindi ako nagdalawang isip na parahin ‘yun pagkakita ko sa kanya habang nakasilip s’ya sa bintana nung tinigilan ako ng jeep at niyakag akong sumakay nung driver na matanda.
nakaramdam ako ng kilig nung nagtama ang mga mata namin nung sumigaw ako ng bayad at nag init ang pisngi ko nung nagtama ang mga palad namin pag abot ko sa kanya ng barya para iaabot sa drayber. at sinungaling ako pag sinabi ko na hindi ko naisip magbayad ng sampung ulit para lang maramdaman ulit ang kilig at kakaibang init na ‘yun.
kung tutuusin wala naman kakaiba talaga sa itsura n’ya, tipikal na estudyante. pero iba ‘yung dating n’ya. s’ya ‘yung uri ng babae na sa unang tingin mo pa lang gugustuhin mo ng ligawan at pagnagkaron ng pagkakataon aanakan mo para lang masiguro mo na hindi na s’ya mawawala sa ‘yo. may dating s’ya na sa sobrang kakaiba at wala ka ng pakialam kung mamamatay tao ba ang tatay n’ya o patung patong ang demanda ng nanay n’ya ng estafa o kahit pa may lahi sila ng ketong o siraulo basta gusto mong maging asawa ang babaeng ito at tsaka mo na iisipin ang mga maliliit na problemang katulad nun.
masyadong mabilis ang byahe at sa kauna unahang pagkakataon mamimiss mo ang trapik. nasaan ang matinding trapik kung kailangan mo ito? hindi ako manyak at hindi ko sinasadyang maramdaman ito pero napaka tindi ng dating ng babaeng iyon. at nasisigurado kong mahabang panahon ang bibilangin bago s’ya mawala sa isipan ko habang naliligo at bago matulog. at hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa sarili ko kung papanong naisipan ko ng sekswal maging ang pag hihigpit n’ya ng slide sa folder n’ya ng dala dala n’yang proyekto sa subject n’yang hekasi.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “ang babaing iyon”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s