drive

1.  meron na akong sasakyan, binili ng tatay ko.
2. wala pa akong lisensya para magdrive ng mag isa.
3. student license pa lang ang meron ako.
4. dalawang linggo na yata akong nag aaral magdrive.
5. sa isang subdivision dito sa muntinlupa na maluwag at bihira ang sasakyan.
6. nahihirapan ako sa paatras.
7. o hindi ko lang natututukan masyado pag nagtuturuan kami.
8. nalilito ako sa kanan at kaliwa.
9. kinakailangan ko pa itaas ang dalawang kamay ko at sumulat sa hangin ng pangalan ko, gamit ang tig isang kamay.
10. kung saan ako hindi sanay, iyon ang kaliwa.
11. andaming kambing dun sa subdivision na ‘yun.
12. isa sa unang tanong ko sa nagtuturo sa akin kung nakakaintindi kaya ng busina ang kambing.
13. sa tingin ko kaya ko ng magdrive ng mag isa sa kalsada.
14. ang kailangan ko na lang, maghanap ng mundo na puro paabante lang ang mga sasakyan,
15. walang atras sa kalsada.
16. at walang ibang sasakyan kundi ako lang.

nung pangalawang turuan namin, naipit kami sa traffic papunta sa subdivision na pagda drivan ko, ‘yung kaibigan ko ang nagdadrive nasa kanan n’ya ako. nagulat ako nung nakarinig ako ng lagabog sa tagiliran ko, may mama na nakasakay sa pedicab na sumingit sa gilid namin at natamaan ng manibela ng bike n’ya ‘yung side mirror namin. halatang takot na takot ‘yung mama dahil nung binusinahan s’ya nung kaibigan ko nabangga pa s’ya sa trak na nasa unahan namin, hindi s’ya makaalis dahil sa traffic at hindi din s’ya makalingon dahil sa takot. seryoso, hindi ko alam ang batas sa ganyan kung bababain ko na ba ‘yung mama para komprontahin o ano. kinapa ko ‘yung side mirror, may tungkab na pintura. naginit ang ulo ko, binuksan ko ‘yung pinto pero inawat ako ng kaibigan ko. wala naman daw pambayad ‘yung mama kahit kumprontahin ko wala din akong mapapala. ang sa akin lang, sana man lang kahit sorry magbigay ‘yung mama. ‘wag na daw.
nung isang araw, pauwi na kami sabi ko dun sa kaibigan ko magpacar wash muna kami, andumi na kase talaga nung sasakyan. itinuro n’ya ako sa magandang maglinis. natutuwa ako dun sa dalawang tiga carwash dahil mukhang pulido naman ‘yung pagkaka linis nila sa labas ng sasakyan. nakaupo lang kami habang nagyoyosi at nagkukuwentuhan nung lumapit sa amin ‘yung isa, nasira daw ‘yung rear-view mirror ayaw na daw maikabit. pinasilip ko sa kaibigan ko, putol na daw ‘yung nasa loob. hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, magwawala na ba ako dahil siguradong gastos na naman ‘yan o basta ipapakita ko lang na malungkot ako at hindi kikibo. papabayaran ko ba o magkikibit balikat na lang ako. ipapatawag ko ba ‘yung may ari para magpabili ng salamin o hihingan ko na lang ng sampung piso ‘yung nakasira para pambili ng mumurahing pandikit sa palengke. hindi ko alam.
mas pinili ko na lang na umiling at magpakita ng mapait na ngiti at bulong ng “ok, lang ‘yan ‘di mo naman sinasadya” pero nung patulog na ako, napaisip ako. sana lang hindi laging nagagamit na dahilan ‘yung pagiging walang kaya o walang pambayad ng isang tao para maging gago s’ya sa kalsada o maging wala s’yang ingat. sana lang hindi sus okey lang na masira ko ‘to kase wala naman akong pambayad e. maling mali. dahil ang dapat, dahil wala akong pambayad magiging maingat ako sa gamit ng iba at magiging maingat ako sa mga kilos ko. oh at tsaka ‘yung sorry, libre lang ‘yun.
nabuksan na naman ang mga mata ko sa isa na namang kabulukan ng mundo. pag mahirap ka at nakipagtalo ka sa mas nakakaangat sa’yo, maprinsipyong tao ka at handa mong ipaglaban ang karapatan mo, pag naman may kaya ka at pumatol ka sa mas mababa sa ‘yo.. matapobre ka. mayabang. wala kang karapatan kase.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “drive”

  1. Naalala ko nung tinuturuan ako magdrive ng hubby ko… nalilito rin ako sa kaliwa’t kanan… pero di naman ako sumusulat sa hangin tulad mo nagsuot lang ako ng wrist band…hahaha

    langya… namaga kamay ko sa kapapalo nya sa kamay ko pag nagkakamali ako… lintik na teacher yan sadista…

    at ang haba ng comment ko… :grinnod:

  2. alam kong hindi mo naman nilalahat ang sinasabi mo sir. pero may pagkakataong baliktad naman ang nangyayari sa mundo. magulo ako? sorry na.

    nais ko lang na icongrats ka dahil hindi lang pala mamahaling bonet ang regalo ni itay sayo, mamahaling kotse din pala. bugatti veyron.

    1. ‘yun mismo ang punto ko, ‘wag tayong maging tipikal.. tignan din muna natin ‘yung kabaliktaran ng mundo minsan sa sitwasyon na minsan naman talaga nagagamit ‘yung kalagayan ng isang tao para gumawa s’ya ng kalokohan. kesyo, nagugutom kaya nagnakaw, kesyo mahirap lang kaya nagbebenta ng droga. ang mahirap sa ating mga pilipino masyado tayong maawain at otomatik na lagi natin inilalagay ang panig natin sa lugar ng kung sino ‘yung nakikita natin at pinaniniwalaan natin na naaapi hanggang sa makalimutan na nating punahin kung ano ‘yung dahilan kung bakit s’ya nasa ganung sitwasyon, ilan ang anak ng taong ‘to na nagnakaw dahil sa kahirapan? sinubukan n’ya bang magkarpintero man lang o pumadyak ng pedicab imbis na magtinda ng droga o manghablot ng celfone sa kalsada? hindi, bakit? masakit daw kase sa katawan tsaka hindi n’ya kaya ang init. salamat at kiss.

  3. hay naku nangyari na rin sa kin yan…pedicab naman..bigla syang nagliko,nagkasalubong kami,good thing naman nag-sorry sya pero hanggang ngayon,pag nakikita ko yung parang punit sa may fender ko,nasasaktan pa rin ako…sorry na lang ang bayad don…alangan naman singilin mo…mapa-iling ka na lang….ok na sana yung ganyan kaso pag nabaligtad yung situation dahil nakikita nila na able ka magbayad,samantalahin naman…di naman nilalahat pero me mga ganong tao..nung may naatrasan ako na taxi,halos wala naman talaga pero kung mag-exxagerate sya sa kwento na na-disallign daw and dami pa sinabi,nung binigyan ko ng 500,natahimik bigla..tsk tsk…kakalungkot lang…

    …congats nga pala sa car mo,ano nga pala?…di bale sa una lang yang mahirap na sinasabi mo,after a while masanay ka na,parang feeling mo,part ka na ng car,matantsa mo na kung kasya ba pag masikip or slight na surve ng manibela sa mga makikipot na eskinita…ok lang yan…songrats and enjoy…marunong ka na mag-parallel parking?…

  4. congrats sa bagong auto. ako ilang taon ko na sinasabing mag-aaral ako magmaneho para kung gusto kong gumimik e di pahirapan magbyahe kung gagabihin ako. na sa isang banda, ayos lang din na hindi ako nag-aral kse kung nagkataon, di ako makaka-inom kung ganun.

    nag-pramis ako na sana bago matapos ang taon, makapag-drive na ako (actually, marunong naman na ako. takot lang mag-drive ng may kasalubong, hahaha).

    missed visiting this site. busy akong nagpapaalipin sa trabaho. haay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s