kaswal

tapos na ‘yung kontrata nung dalawang casual dito sa department namin. at kung gaano ‘ko naging sobrang kasundo ‘yung isa halos hindi ko naman masyado napagkakausap ‘yung kabila. ayos naman kami nung una nun dahil kami naman talaga ang magkasabay ang shift. ang totoo n’yan nasa stage na kami nung pag mauuna s’yang umuwi sa akin tinatapik n’ya ko sa balikat o kaya pag natatawa s’ya sa joke ko sinusuntok n’ya ko ng hindi naman masyadong malakas sa may sikmura, medyo malalim na ‘yun pero hanggang dun lang talaga ang inabot ng kung anong meron kami. wala naman kinalaman kung bakit ako biglang napaiwas sa kanya ‘yung sinadya n’yang pagbukas ng bag n’ya sa harapan ko at ang paglalaglag ng condom mula dun kasabay ng pagkindat n’ya sa akin at sinabi na papunta kase s’ya sa gelpren n’ya kahit hindi ko naman tinatanong o ‘yung pagtatanong n’ya sa akin kung ilang babae na daw ba ang “nayari” ko sa net. ang totoo n’yan wala naman s’yang pinakitang masama sa akin at wala naman akong galit sa kanya. at isa pa, naniniwala ako na kung may isang tao dito sa department namin na pinakaunang makakasundo ng kung sino man na bagong papasok, ako ‘yun. wala akong issue dito ng panunukat sa kakayahan ng baguhan kahit kailan. isang bagay lang ang nakikita kong dahilan kung bakit ako tinabangan sa pakikipag kaibigan sa taong ‘to  ‘yung isang araw na hiniram ko ‘yung celfone n’ya dahil may ipapakita daw s’ya sa akin na feature nung model ng telepono n’ya na wala sa akin at aksidente kong napindot ang cancel kaya ibinato ako ng celfone n’ya sa main screen at muntik na akong mahirinan ng laway kong biglang lumapot sa nakita ko. picture n’ya na nakahubad at naka pangalumbaba ang wallpaper n’ya. alam mo ‘yung mga kuha sa studio? ganun.
isang bagay ang napatunayan ko sa sarili ko, hindi ko kayang makipag kaibigan sa kahit na sinong tao na gumagamit ng solo picture n’ya na wallpaper sa celfone o computer n’ya. kahit gaano pa katindi ang pinagsamahan natin, kahit kababata pa kita at sinagip mo ‘ko minsan nung muntikan na akong malunod sa ilog, kahit ilang beses ka ng nagpakita ng kabayanihan sa pag sagip ng buhay ko at kahit gaano pa kabigat ang utang na loob ko sa ‘yo basta nasilip ko na ganyan ang wallpaper mo ikinalulungkot ko na mismong sa mga oras na ‘yun tinatapos ko na kung ano mang uri ng pakikipag kaibigan meron tayo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “kaswal”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s