hoy sa lahat

bibigyan ko kayo ng payo, libre lang wala kang dapat bayaran. sa lahat ng galit sa akin at gustong magpapansin.. magbasa kayo, importante ”to.

sa totoo lang, kung ang intensyon mo e makuha ang atensyon ko at magkaron ako ng entry para sa ‘yo napakadali lang. magpakita ka sa akin ng mga salitang may talino ‘yung mukha naman pinag isipan at higit sa lahat pakitaan mo ‘ko ng tapang mo para magpakilala sa akin. kung aasarin mo ‘ko sa mga komento mo siguraduhin mo naman na p’wedeng pagdebatehan ‘yung mga papakawalan mong salita para kung sakaling wala talaga akong maientry at maisipan kong patulan ka kahit papaano mapapaisip naman ako ng magagandang isasagot sa’yo. isa sa pinakamali pero pinakamadalas na ikinapapahiya ng ibang mga taong naliligaw dito sa blog ko ang isipin nila na napakasarap kong kaaway. maniwala ka sa akin, napakalayo sa katotohanan n’yan. napaka imposible sa akin na maapektuhan sa mga pangit na salitang naimbento na dito sa mundo. lahat ng salitang naiisip mo, inihilamos ko na at nagamit ko na sa sarili ko para sa ikatataas ng hits nitong blog ko, ayaw mong maniwala? backread.
pinipilit ko na lang minsan intindihin kayo. sobrang lawak ng internet, para itong bagong mundo na bukas para sa lahat. ang kauna unahang tipikal na ginagawa ng mga bagong salta dito ang magpapansin para magkaron sila ng sarili nilang marka sa bagong mundo na natuklasan nila.
inuulit ko iniintindi at naiintindihan ko kayo. sige lang sa pagkukumento ng kabobohan, gamitin n’yo ang blog ko para magkaron kayo ng marka dito sa mundo ng internet.
sa bandang huli, wala naman malulugi sa ating dalawa. napupunan ng blog ko ang atensyon na ipinagkait sa’yo nung bata ka pa, nagagawa mo dito sa munting puwang ko sa net ang mga bagay na imposibleng magawa mo sa tunay na buhay at sa kabilang banda nakakadagdag ka rin ng hits dito sa blog ko. bigayan lang.

1. isang hit sa pagkukumento na kahit alam natin na walang saysay at hindi pinag isipan, matagal bago naman nabuo at paniguradong pinaghirapan.
2. isa pa uling bisita bago kumain ng tanghalian sa pag asang baka pinansin na kita.
3. isa pa uli, bago matulog sa tanghali.
4. pagkagising, harap ulit sa computer at otomatik na bubuksan ang mightyjoncabron.com
5. habang nagmimiryenda.
6. isang silip pa ulit sa blog ko, may kasama ng galit dahil maghapon na ‘di ka pa rin nakaka limos ng atensyon.
7. bago kumain ng hapunan.
8. habang nagyoyosi at nagpapatunaw ng kinain.
9. bago matulog.
10. nung nagising nung madaling araw para umihi.

at bilang isang tunay na kaibigan at isang mabuting kristyano. obligasyon kong payuhan ka hindi lang ng tungkol dito sa net kundi maging sa tunay na buhay. gawin mong kapaki pakinabang ang sarili mo.. magtanim ka ng puno.

.. naks, aminin mo kinilig ka.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “hoy sa lahat”

  1. OO kinilig ako chicharong balbon hehehe.. Alam mo joncabron, ang bunganga mong nagmamantika ang syang nagpatingkad ng pagkakilala ko sayo. Pwedi ba tayo magkita minsan lang? para naman masubukan ang talim ng dila mo sa totoong buhay. Wag kang magtago sa mundong alam mong dito ka lang mananalo dahil ang totoo nagkukubli ka lang sa isang imahinasyon na natatakot kang mawala eto sa buhay mo dahil alam mo dito ka lang aangat. At aaminin mo sa sarili mo na isang inutil ka lang walang silbi. Walang personalin parekoy sa totoo lang isa mo akong masugid na tagahanga.. Pakiss nga nyahahaha..

    1. ang sabi ko matalinong komento, hindi porke’t madami kang sinabi matalino na ‘yun. anukaba? sinasayang mo ‘yung mga pagkakataon na ibinibigay ko sa ‘yo. sa susunod, pakiusap lang ‘yung mapapaisip naman ako ng isasagot sa ‘yo. ‘yung tipong magigising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa lupit ng mga salitang ibinato mo sa akin. .. o kung hindi, manahimik ka na lang

    1. sana alam mo ‘yung ip address tsaka sana napansin mo na nakasanayan mo ng mag iwan ng dalawang tuldok pagkatapos ng pangungusap mo, kailangan mo pang magpalit ng pangalan? tsk tsk, EPIC PHAIL!
      lalo ka lang nawalan ng makakausap, hindi masama magpraktis praktis muna para hindi naman masyado mapahiya next time. bye, sayang ang oras ko sa’yo ikaw ang pinaka estupidong naligaw at nagpasikat dito sa blog ko dadalawang araw lang ang itinagal mo.

  2. bossing, okay na ulit ang blog ko kahit di mo napansin na nasira pala…wahihihihihi…

    teka yan pala yung sinasabi mo, ang feeling ko naman… tatlong dot ang nilalagay ko sa end ng sentences ko ha… hehehe…

    super effort ba sa pagpapalit ng pangalan? baka sya rin yung anonymous na sumasagot sa comment nya?

    o sha babayu!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s