sa skyway

grabe ang antok ko nun. apat na oras lang ‘yung tulog ko, pakiramdam ko nga ‘yung mismong tagpong ‘yun na nasa bus na ako pa lang tuluyang nagising ang diwa ko. naalimpungatan lang ako dahil sa pawis na tumutulo sa leeg ko, dun ko lang napansin na nakapatong na pala ‘yung braso ko sa braso n’ya. tinignan ko s’ya para sana humingi ng paumanhin pero nakatingin s’ya sa may bintana. inisip ko na lang na siguro tulog din s’ya kaya hindi n’ya napansin ‘yun dahil malamang gaya ng isang normal na babaeng pasahero dapat binangga n’ya na ako ng balikat o tuhod n’ya para magising ako at maging aware sa lugar n’yang sinasakop ko na pala, pero naisip ko rin na baka sa sobrang antok kanina pa s’ya nagpaparamdam sa akin pero ‘di ko lang talaga napapansin. nakakahiya naman.
pinagmamasdan ko s’ya habang nakatalikod sa akin ang halos kalahati ng katawan n’ya. hindi maililihim na may anak na s’ya dahil na rin sa bulto ng pangangatawan n’ya, hindi naman s’ya ganun kaputi at hindi rin naman ganun kakinis. nasa ganun akong pagiisip ng biglang umuga ang bus senyales na umakyat na kami sa skyway. medyo matulin ang bus nung gabing ‘yun at iilan lang kaming sakay kaya ramdam mo ‘yung bawat paggalaw ng sasakyan. ilang pag kabig pa pakaliwa at pakanan at namalayan ko na lang na nakapatong na naman ang braso ko sa braso n’ya, at sa pagkakataong ito alam kong gising na gising s’ya at hindi s’ya gumagawa ng kahit anong aksyon para tanggalin ang pagkaka patong at kiskisan ng mga braso namin. bigla ang matuling pasok ng malisya sa utak ko. kakaakyat lang ng bus namin halos sa skyway pero nauna na sa may babaan ang utak ko naghihintay na s’ya dun at naglalaro ng papano kaya kung:

1.Β  sa vito cruz din s’ya bababa.
2. sa mismong jeep na sasakyan ko s’ya sasakay.
3. may mga lasing kaming kasakay.
4. tatlo.
5. binastos s’ya.
6. pinagtanggol ko s’ya.
7. sinusuntok suntok ko ng malakas sa panga ‘yung isa.
8. habang sakal ko ‘yung isa.
9. at nakaipit ang leeg nung isa sa paa ko.
10. taob lahat.
11. salamat, ano nga palang pangalan mo?
12. jon cabron
13. sindi ng sigarilyo.
14. pwede ba tayong mag motel, sagot ko bilang pasasalamat na rin.
15. pero late na ako.
16. wala akong pakialam.
17. ako din.
18. um! um!
19. pagkatapos habang nakaunan s’ya sa dibdib ko.
20. pinapaikot n’ya sa hintuturo n’ya ang buhok sa dibdib ko.
21. ang galing papano mo nagawa ‘yun?
22. anukaba mga lasing na ‘yun, kahit pa tatlo sila ‘di mananalo ‘yun.
23. hindi iyon ang tinutukoy ko.. ‘yung ganun kasarap.

kinalabit ako ng kunduktor, kinukuha na ‘yung bayad ko. bigla ang balik ng utak ko sa realidad, “isang vito cruz” abot ng bayad, kuha ng sukli, abot ng ticket. “ikaw miss saan ka?” tanong ng kunduktor, sa kauna unahang pagkakataon narinig ko ang boses n’yang malayo sa boses n’ya kanina nung nagpapasalamat s’ya sa akin sa jeep. otomatik na nilingon ko ang mukha n’ya nung dumaan sa mukha ko ang braso n’ya para iabot ang bayad sa kunduktor. tangena ampangit, bungal pa. ang kapal pa ng makeup.
bumaba na ‘yung bus sa skyway. sayang ang ilang minutong idlip pa sana.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “sa skyway”

  1. wahahahahahahahaha…..

    at gaya ng mga nagsabi na rin sa’yo dati .halos 2 months na akong nakatambay dito pero ngayon lang ako magcocoment…nga pala jon na ka add kana sa ym ko, ako ‘yong nagpaturo sa’yo about sa cbox.

    okay okay walang koneksyon…

    pero sana siniko mo ng pasimple…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s