etswanenwan

ilang beses ko na rin nabanggit dito sa blog ko ang pagka disgusto ko sa mga miyembro ng iglesia ni kristo dahil sila ang kalimitang nagdudulot ng trapik sa dinadaanan kong kalsada dahil sa mga sarili nilang pulis trapiko na mga akala mo kung sinong mas matatapang at marurunong pa sa mga lehitimong traffic aide at nabubuwisit ako sa mga mala sindikatong asta ng mga miyembro nila ..at ‘di ko talaga trip ang naka polo tapos may tshirt sa loob. hindi ko naman nilalahat s’yempre dahil may mga kaibigan din naman akong “kaanib” sa kanila at mababait din naman talaga ‘yung iba sa kanila pero kung ako e isang HR sa isang kumpanya at mag iinterview ako ng dalawang aplikante na parehong tanga at ang isa ay miyembro ng samahang ‘yan mas pipiliin ko ‘yung isang tanga. late na ako nung isang araw, ilang minuto pa lang akong nakasakay sa jeep nung sumakay galing sa tapat ng kapilya nila ‘yung isang lalaking naka polo, tumabi s’ya sa kinauupuan ko. pagdaan n’ya sa harap ko nakaamoy ako ng amoy alak, gusto kong makatiyak kung s’ya ba talaga ‘yun dahil pag sa kanya nag mumula ang amoy na ‘yun isa lang ang ibig sabihin, p’wedeng mag inom sa loob ng kapilya nila at ibablog ko ‘yun. nagdududa ako kung s’ya ba ‘yun o ‘yung lalaki sa kanan ko na may kausap sa celfone n’ya. hindi ko marinig ‘yung pinag uusapan dahil may nakasalpak na earfone sa tenga ko.. inamoy ko ng pasimple ‘yung balikat ng iglesia sa kaliwa ko, hmmm parang hindi naman. hinintay ko pa talaga na humarap sa direksyon ko at medyo mapalapit ‘yung bibig sa akin nung lalaking may kausap sa kanan ko para maamoy ko ‘yung hininga n’ya.. hhhm parang s’ya nga, tig tatlong beses ko yatang inulit ‘yung pag amoy sa balikat nung nasa kaliwa at pag amoy sa hininga nung nasa kanan para sa kumpirmasyon nung naisipan kong tanggalin ang tumutugtog sa tenga ko, at inabutan ko pa ‘yung sinasabi nung lalaking may kausap sa telepono na kanina ko pa sinisinghutan ng hininga.

” pare hindi p’wedeng kumalat ‘yan kung hindi pa natin nakukumpirma talaga, abala masyado sa atin ‘yan at isa pa magkakaron s’yempre ng impact sa mga kliyente ‘yan. mawawalan tayo ng operation dahil makwa quarantine tayong lahat. airborne ‘yan pare eh”

pakiramdam ko nanlaki ‘yung ulo ko. nilingon ko ‘yung mga tao sa jeep pero mukhang ako lang ang umiintindi at nakarinig nung pinaguusapan nila. naghihintay ako ng sisigaw ng “WOW MALI!” pero wala. tulala pa rin ako pagdating ko sa opis. binalak kong sipain sa bayag ‘yung mama pagbaba ko, pero mukhang lalaban s’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “etswanenwan”

  1. ang tawag ko sa mga yan kulto!

    basta kahit anong religious faction
    basta organisado tapos may weng-weng na mga pamatayan
    at may mga saltik na miyembro na merong pang uber baliw na
    ‘charismatic’ leader – kulto.

    malas naman na napagitnaan ka ng mga evil,
    sino kaya ang lesser evil dun.

    1. naiinip ka na ba? hinihintay mo bang gumawa ako ng entry para sa ‘yo? ikinalulungkot kong hindi kita mapagbibigyan. bigyan mo ‘ko ng maganda at matalinong salita dito sa comment box ko baka sakali pang pagsayangan kita ng oras. hmmmkei? sa ngayon, balik balik ka lang alam ko naman na nageenjoy ka ng sobra sa blog ko. :nod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s