gudbye kiss

malimit kong mapansin ‘to at hindi ito sa pakikialam na naman o ano. naranasan mo na ba na nakasakay ka sa isang pampublikong sasakyan tapos paparahin ‘yun ng isang magkasintahan na nakatayo sa kalsada para sumakay ang isa sa kanila kalimitan ‘yung babae pero bago s’ya sumampa sa sasakyan hahawakan s’ya ng lalaki sa braso n’ya titingala ang babae at maghahalikan sila? at hindi halikan na parang tukaan o ‘yung tipong hinihipan lang ng lalaki ‘yung balahibong pusang bigote ng babae ang pinag uusapan dito.
dalawang salpukan na laplapan ng labi ang pinaka perpektong salita para idescribe ang pangkaraniwang nakikita ko sa kalsada. seryoso at payong kaibigan lang, maniwala ka sa akin lahat ng lalaking nakakita ng ginawa mo na nakasakay sa sasakyang sasakyan ng babaeng kasama mo bago kayo magpalitan ng laway mag uunahan sa pag usog para makatabi ang asawa o gerlprend mo. maniwala ka, napakasagwang tignan para sa aming pasahero ‘yun at hindi ko makita ang punto nun. bibigyan kita ng isang pangkaraniwang senaryo, masama ang pakiramdam ko kanina habang nasa bus ako, pakiramdam ko lalagnatin ako at sumasakit pa ang tiyan ko. nagdadasal ako na sana ‘wag tumuloy ang sipon ko dahil ibang klase akong sipunin halos hindi ako makatayo, at sana ‘wag magtuloy tuloy ang sakit ng tiyan ko dahil malayo pa ang byahe. habang kausap ko si baby jesas anong nakita ko sa bintana habang nakatigil ang bus?.. laplapan. anong inaasahan mong babalakin ko habang paakyat ng bus ang gerlprend mo? tutuloy sa pagdadasal? hindi, kukunin ko ang atensyon n’ya paglingon n’ya para sa tabi ko s’ya umupo… at maniwala ka sa akin, hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari. nawala na ang dasal ko at naglaho na ang mga pangako.
maniwala ka sa akin, bago kayo lumabas ng kalsada gawin n’yo na lahat ng pwede n’yong gawin. irespeto mo sa kalsada ang gerlprend mo at maniwala ka sa akin na sa ginagawa mo sa kanya bago s’ya sumakay ng pampublikong sasakyan  inilalagay mo s’ya sa panganib,
.. sa mga pasaherong katulad ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “gudbye kiss”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s