cheesy beef ng 711

alam mo ‘yung nakakain ka ng isang napakasarap na bagay tapos pakiramdam mo kasalanan sa diyos at sa sanlibutan kung hindi mo isheshare sa iba ‘yung karanasan na ‘yun? eto ‘yun.
pinakilala s’ya ng isang kasamahan, inalmusal namin kanina bago ako umuwi tapos binalikan ko pa kanina bago ako pumasok. muling nagkasigla ang dating ng tindahang 711 sa puso ko, dati pag sinabi mo sa akin na 711 convenient store tatlo agad ang pumapasok sa isip ko.

1. hintayan ng mga matatabang babae na first time makikipag kita sa textmate nila bago sila pumunta sa motel.
2. tambayan ng mga hindi kayang magkape sa starbucks.
3. tindahan na may libreng mga kendi at chokolate sa harapan ng kahera.. kung mabilis ang kamay mo.

pero ngayon, 711? cheesy beeeeef! tignan mo na lang sa halagang 49 pesos kung anong makukuha mo sa loob ng  hotdog bun na ‘yan, cheese na natutunaw tunaw at masayang yumayakap sa mga karne ng baka na ginayat gayat sa
dsc00200napaka perpektong hugis at laki na nagkalat sa paligid ng tinapay mo at meron pang kung anu anong sibu sibuyas. sa panahon ngayon wala ng ganyan kasarap sa halagang kwarenta’y nuwebe pesos. magmumukhang maliit na unan na may mga lupa lupa ang kariman sa ministop kung ikinumpara mo dito. seryoso, kung halimbawang makakasalubong kita sa daan tapos hihilamusan mo ‘ko sa mukha nito, hindi ako magagalit sa ‘yo, baka magpasalamat pa ‘ko habang inaabot ng dila ko ‘yung mga piraso ng karne at tunaw na cheese na nagkalat sa mukha ko. halimbawang isa kang babae na may kalaguyo at nahuli ka ng asawa mo sa eksenang ‘yun.. siguraduhin mong may baon kang cheesy beef.

lalaki: taksil ka! anong katampalasan ang ginagawa n’yo!!!
(tatakbo si kalaguyo ng nakahubo, bitbit ang pantalon sa isang kamay, tatalon sa bintana.. mag tatakip si babae ng kumot hanggang dibdib)
asawa: patawarin mo ‘ko, natukso lang ako..
lalaki: walang kapatawaran ang pagdungis mo sa pagkalalaki ko, babae!
asawa:
may cheesy beef sa kusina, bumili ako habang hinihintay ko ‘yung lalaki ko sa 711.
lalaki: yeheheeeees! tenkyu, bukas ulit?

naniniwala ako na sa halaga nito na talaga naman napakamura sa kabila ng hindi matatawarang sarap n’ya, may naghihintay na isang gintong upuan sa kalangitan sa kung sino man ang nakaimbento n’yang tinapay na ‘yan.

oh at nakita mo ‘yung pagkakahawak ko nung karton? parang sanay na sanay akong humawak ng ganyan kalaki at kataba di ba? … alam na!!!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “cheesy beef ng 711”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s