sine

isa pang matibay na ebidensya kung gaano ako kaboring na tao, hindi ako mahilig manood ng sine. kung isa sa depinisyon mo ng tinatawag na “date” ay ang panonood ng sine, ikinalulungkot ko na kahit gaano na katagal ang pinagsamahan at kahit gaano kadami na ang pinagdaanan natin hindi ako ang lalaking nakatakda mong makasama sa pagtanda mo.
hindi ako ang tao na may pinakamalaking pagpapahalaga sa oras pero nasasayangan ako sa dalawa hanggang tatlong oras  na ilalagi ko dun. mas gusto ko pang manood ng pelikula sa harap ng computer ko ‘yung tipong maipopause ko pag iihi ako o magyoyosi, makakain ko kung anong gusto kong kainin. at maipo forward ko ang palabas para lagpasan ang mga nakakatamad na eksenang usapan. naranasan ko din naman maging normal nung kabataan ko. naranasan ko rin na halos linggo linggong nanonood ng sine buhat nung nadiskubre ko ‘yung sinehan sa las piñas dati na nagpapapasok ng mga minor de idad sa mga pelikulang pang hindi masyadong bata. naranasan ko rin gamitin ang dilim ng sinehan para makilala ng lubos ang ilang mga babaeng minahal ko dati. pero bigla na lang nawalan ako ng gana, hindi ko maalala kung bakit at kung kelan nagsimula.
marami ng lumabas na pelikula sa sinehan na parang obligasyon mong panoorin kung nabubuhay ka sa henerasyon na ‘to ang hindi ko napanood. naka ilang labas ang matrix sa sinehan pero isa lang ang napanood ko dun, barkadang lalaki pa ang mga kasama ko. napalaking sakripisyo para sa akin ang manood ng sine kasama ng mga taong hindi mo naman pwedeng halikan at yakapin sa dilim.
hindi ako mahilig manood ng mga palabas na malayo sa katotohanan. wala akong hilig manood ng mga robot, may kapangyarihan, at mga superhero na naka costumes.
pero ang huli kong napanood na palabas sa sine, kingkong. kung hindi pa ako sinuhulan ng kasama ko ng isang basong odd balls, wala akong balak sumama sa kanya. hindi ko pa natapos ang palabas ni hindi ko nga yata napangalahati. at maging sa mga oras na ‘to maituturing kong isa ang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang palabas na ‘yun sa pinaka brutal na pagtataeng naranasan ko habang nasa pampublikong lugar ako.
mas magaling akong magbasa kesa manood. mas naiintindihan ko ang binabasa ko kesa napapanood ko.  mas gugustuhin ko pang tumunganga sa harap ng pc ko kesa manood ng sine. pwede kitang samahan sa loob ng sinehan kung hindi papatayin ang ilaw dun at pwede akong magbasa ng libro sa loob.
.. o kung papayag kang makilala kita ng lubos.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “sine”

  1. kahit na nangangamba akong mahusgahan mo na MATATABA lang ang nagcocomment dito, magcocomment na rin ako…

    hmmmmm…parang nasa presinto ka ata bossing jon at nagpapaliwanag ka sa sine sine na yan…

    me ininjan ka sigurong EB para manood ng TRANSFORMER noh?

    kung mali man ang espekulasyon ko, isipin mo na lang na payat ako at hindi ako nag cocomment sa blog mo…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s