tinakot mo ‘ko, pinatay kita.. quits lang.

ano ang isang eksaktong halimbawa ng bwakananginang senaryo? pag uwi mo ng bahay galing sa isang maghapong trabaho sa opisina at pakikipag tunggali sa trapik, kumain ka ng hapunan paunti unti habang naghuhubad, nag init ka ng tubig para magtimpla ng kape habang binubuksan mo ‘yung computer mo at kumukuha ka ng damit na pambahay.
naligo ka pagkatapos kumain, naupo ka sa harap ng computer, relaks na relaks habang nasa yahoo conference ka ng biglang may naramdaman kang gumagapang sa paa mo. hindi mo na kailangan pang tignan kung ano ‘yun dahil kabisado mo na ang pakiramdam na ‘yun. mga paang maliliit at matutulis na mabilis na gumagapang at humahawi sa mga balahibo ng paa mo. pinakawalan mo ang isang matinis na tili at nagpapapadyak ka habang tumatayo ng patalun talon. hindi mo s’ya napatay. hindi kayang puksain ng depensa mong patadyak tadyak na hinugot mo sa pagkataranta ang bilis at talino n’ya. binuksan mo ang ilaw at sinadya mong magbingi bingihan sa pagmumura ng kasama mo sa kwarto na naistorbo ng ingay mo. nakipag hagaran ka sa munting insektong ‘yun. napakaliit n’ya lang pero anlaki laki ng tingin mo sa kanya.  at pakiramdam mo anliit liit ng tingin n’ya sa ‘yo sa pagkakataon na ‘yun. nakita mo s’yang nagtago sa malaking basket na lalagyan ng laruan ng anak mo. natigil pansamantala ang habulan. nagplano ka, kinalkula ng utak mo ang lawak ng kanan sa kaliwa. matapos mong mainip sa paglabas n’ya naisip mong daanin sa pwersahan ang lahat. matapos ang sunod sunod na hingang malalim at pag igib ng lakas ng loob, hinawakan mo ang basket ng laruan at hinila mo ng matulin sa sala habang sumisigaw. dun kayo magtutuos.
kumpleto ka ng armas, dalawang tsinelas sa magkabilang kamay, isang walis tambo sa sahig, at isang upuan na malapit na pwede mong pagtalunan at tuntungan pag kinakailangan. inangat mo ang isang laruan, wala dun ang subject. pag angat mo ng pangalawa at pangatlo, dun mo s’ya nakitang naghihintay sa’yo. pinalo mo s’ya ng dala mong tsinelas pero hanggang sa nabitawan mo na ang dalawang hawak mo, hindi mo pa rin s’ya napatay.
nakapag palit na ng pwesto ang kalaban at wala ka ng mapag pipilian kundi batuhin s’ya ng platu platuhan ng anak mo. nakailag pa s’ya pero nataranta na at nagkamali s’ya ng pinasukan n’ya dahil nakorner mo s’ya dun gamit ang hawakan ng walis tambo.
at dun naubos ang halos, trenta minuto ng buhay mo sa gabing ‘yun.

naisip ko lang, kung mamamatay ako at mabubuhay ulit. ang pipiliin ko ‘yung makakasama sa buhay na hindi takot sa ipis. ‘yung handa akong ipagtanggol sa mga oras na katulad n’yan.
oh at bigyan mo ko ng pagkakataon na depensahan ‘yung pambabato ko sa ipis gamit ang platu platuhan ng anak ko. kagipitan na ‘yun kaya ganun, kung nagkataon na dinamita ang nahawakan ko nun.. punum puno ng kakisigang babatuhin ko ng dinamita ang ipis na ‘yun. walang pinagkaiba.
.. ‘wag mo kong husgahan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “tinakot mo ‘ko, pinatay kita.. quits lang.”

  1. sabi kaya mahirap hulihin ang ipis kasi malakas ang reflexes nila, may mga maliliit na balahibo yan eh na parang nakaka detect ng init or hangin sa paligid kaya nararamdaman nya yung papalapit na panganib sa buhay nya. Kaya medyo nahirapan ka sigurong patayin. :grinnod:

    And also, make sure na pag pinatay mo yun, durog na durog lalo na yung katawan, wag mong intindihin ung ulo kasi ang ipis kayang mabuhay ng isang linggo kahit walang ulo kasi nasa katawan naman ang utak nila. (walang silbi ang puso ng ipis) yes may puso din ang ipis, kaya kawawa din..Ahmm nabanggit ko lang naman kk? k😉

  2. haha. kawawang ipis. so bale ganun talaga katindi ang hiding powers nya at trenta minutos ang naubos sayo? hate ko rin ang mga ipis. pero di tulad mo, wala akong lakas ng loob na patayin sila (although, gustung-gusto ko). nadidiri kse ako sa sound ng nadudurog nilang katawan e.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s