im back

may isang mapait sa panlasa na hindi ko yata kakayaning hindi iluwa. kahit gaano kaganda ang intensyon ng taong basta na lang nagsubo sa bibig mo ng pagkain hindi mo magugustuhan ‘yun. gaano kasimple at gaano kagulo ang pinaguusapan dito? nag alok ako ng pagkain, pinintasan ‘yung platong ginamit ko. inilaban ko na masarap ang pagkain, kinontra n’ya ‘ko na hindi bagay sa pagkain ang platong ginamit ko.
mas nagsusulat ako para sa sarili ko kesa para sa mambabasa ko. isinusulat ko kung ano ‘yung mga naiisip at nararamdaman ko at madalas wala akong pakealam kung magustuhan man ng mga mambabasa ko ‘yun. wala akong hinihinging kung ano sa ‘yo, ‘wag mong asahan na magpipiga ako ng utak para lang ma solb kita sa kung ano ang gusto mong mabasa. mas libangan at kagaguhan ang blog ko kesa tiga paghatid ng mga tama at hindi tama sa isang tao. katulad ng pangkaraniwang blog na wala naman direktang pinatutungkulan kaya binuo, nagsusulat ako ng mga entry na patungkol sa ilang mga tao ng hindi ko pinapangalanan at ang mga ganung mga bagay, iniaasa ko na lang sa intelligence level ng mga makakabasa. madalas ganun ang blog, tamaan ang tamaan. pag sumakto, jackpot. hindi laging magugustuhan ng mundo ang katotohanan, isipin mo na lang na binibigyan ko kayo ng pabor pag pinapahagingan ko lang kayo. naisip ko kung didiretsuhin ko lahat ng gusto kong sabihin sa lahat ng mga tao baka wala na kayo lahat sa harapan ko.
tungkol sa entry ko na ‘wag mong masamain ‘yung pakikipag laban ng wala naman pinaghuhugutan at wala naman mailalabas ang pinupunto ko dun, ‘yun ang katapangan na wala naman mararating.
kung nabasa mo at naisip mo na ikaw ‘yun, mabuti. kung hindi mo nakuha.. walang nawala sa akin at walang nawala sa ‘yo. ganun ako magblog, ‘wag mo ‘kong sukatin sa paraang ginagawa ko katulad ng pag nagkita tayo at napansin mong hindi pala ako kasing ingay ng nababasa mo at sa totoong buhay.
‘wag mo ‘kong husgahan sa pagiging tahimik ko, dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin.

at oo, ikaw ms. ningning ang kinakausap ko dito.

kapalit ng pagpipilit ko sa sarili ko na makisalamuha sa ibang tao at sumubok makipag kaibigan, madalas nakakalimot na ang ibang tao kung ano at sino ako.

ipagpaumahin n’yo kung madalas umaasta akong isang tunay na kaibigan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “im back”

  1. wag mong baguhin kung ano yung nakilala naming “Jon Cabron”. Ikaw yan, tanggap ka ng marami kung ano ang pagkakakilala sa’yo.. Sa ibang ayaw sa paraan ng pagsusulat mo, wag na sila😐 at wag na nilang ipagsiksikan yung sarili nila dito🙄

    nasampolan tuloy :no:

  2. di mo kelangang baguhin ang nakasanayan mo para sa kapakanan ng iba…

    at hindi mo kelangan mag hain sa pyestahan ng mga pagkain na ikakabusog ng mga bisita mo, inihanda mo pero sinampal sampal mo muna sila bago mag alok

    kung lahat ng taong ibina blog mo ay pinapangalanan mo, sa palagay ko puro birthday greetings lang ang laman ng mga entries mo.

    minsan, hindi nakakabawas ng pagkatao ang alamin muna ang bawat puno’t dulo ng istorya para hindi ka magmukang know-it-all

    welcome back! at happy fiesta!😛

    1. simple lang ‘yan hindi ito ang piyestahan na para sa kanya, at hindi ko babaguhin ang putaheng inihahanda ko na subok ng bubusog sa nakararaming bisita ko ng dahil lang sa puna ng isang taong hindi naman maituturing na bisita talaga,. parang napadaan lang.

  3. do what ever it is that makes you happy…if you feel like expressing yourself..go ka lng!!! besides, BLOG MO NAMAN ‘to eh…IYONG BLOG!!! anuman lagay mo dito, eh karapatan mo yon..ke-kaeek-ekan yon or may kabuluhan.. That’s what you are and what you want to be. Ke-magustuhan yon ng iba o hindi, wag kang paapekto. At alam ko naming hindi. Sa tingin mo ba na kung yong mga taong may naging malaking contribution sa mundo eh nagpa-apekto sa mga critics at mga taong walang ginawa kungdi mangontra at magkomento ng komento (take note sila yong mga taong walang binatbat…sad to say they have to do this to prove na may say din sila at sila ay “up right citizen of the world”. If you doubt this fact, just ask any phsycologist…) eh may mga kapakipakinabang tayong mapapala sa kanila ngayon???:no:

    Do what you like to do and say what you want to say..lagay mo sa blog mo ang anumang gusto mo, kasi kaya ka nga nagblog para ilabas lahat ng saloobin mo. Kung di man nila magustuhan yon, pasensya sila..bakit binabayaran ka ba nila ng pera para maaliw sila??? wa naman bayad yon di ba, nakikinood na nga lng, nagrereklamo pa. We have movie theaters, TV, radyo at madaming pang iba para mag-aliw sa bawat isa noh!!!…libre na nga lang yong syo, gumaganun pa, eh di maslalo na kung may bayad pa yon.. devah??? :nod:

    At para sa napadaan lang, wala tayong lahat na karapatang manghusga ng kapwa, maslalo na at di pa naman natin sila “GANUN” kakilala…isa yan sa mga golden lesson in life..gift ko sayo, free of charge… Kung makikinood ka sa gawa ng iba, nanood ka na lng, wag ng madaming ek-ek… kung di mo nagustuhan yon, eh di gumawa ng sarili mo, wala naman pipigil syo di ba???

    THE END!!!

    moral of the story..each to his own, kaya wag kang makidawdaw!!! gawa ng sarili mo!!!:wink:

    1. at ang aral na natutunan sa kwento, masasayang lang ang 2 cents worth mo sa akin, ‘wag ka ng sumubok magsayang ng lakas para sakupin ako dahil wala din mararating ‘yan.. hindi ako handang magpasakop at wala akong balak.. sa iba mo na lang ilaan ang enerhiya mo. halimbawa, magtanim ka ng puno o kaya ahhhhm maupo ka na lang at pilitin mong enjoyin ang mga pinagsasasabi ko dahil wala ka naman mapagpipilian.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s