pron

ginising ako ng nanay ko kani kanina lang, pinipilit n’ya akong sumama sa birthday ng tiyuhin n’ya parang reunion na rin daw dahil dun sa magkakapatid ‘yung lolo ko na lang na ‘yun ang natitirang buhay. tumanggi ako dahil unang una naiimagine ko na ang sandamukal na kailangan kong pagmanuhan dun, sangkaterbang “ah iyan na ba ‘yung bunso mo?” at “eto ang anak ko, nagtatrabaho ‘yan sa blah blah blah batugan ‘yan kaya tumaba ng ganyan at walang ginawa kundi humarap sa computer kaya bente nuwebe pa lang may highblood na” ayoko ng tao.
at isa pa, day off ko ngayon gusto ko naman gamitin ang literal na kahulugan ng tinatawag na REST day. andami kong narinig sa nanay ko, habang kumakain s’ya ng tinapay at humihigop ng kape sa lamesa namin. kesyo kung mga barkada ko ang nagyaya malamang kanina pa ako nakapaligo, kesyo magaling lang ako kung inuman ang lakad, kesyo hindi ako mapakinabangan sa mga ganung lakaran at lagi na lang s’yang mag isang representante ng buong mag anak namin pag may lakad na ganun.
hindi n’ya ako napilit. sabi ko nga di ba? isang batayan kung papano ginawang napakasimple ng buhay natin ang pag ayaw mo e di huwag.
halos kasabay ng huling lagok ng nanay ko sa kape n’ya ang pag suko n’ya na mapilit akong sumama sa kanya. padabog s’yang lumabas. diretso ako sa harap ng computer, sigurado akong hindi na ako makakagawa ng tulog ulit. may nakita akong link, porn site. browse browse, sipat sipat, zoom zoom, save image as.. nang biglang may sumigaw sa labas ng bintana sa likuran ko “SIGE D’YAN MO UBUSIN ANG MAGHAPON MO!” .. umikot ang nanay ko sa likod ng bahay para sumilip sa bintana ng kwarto ko. wala na akong nagawa kundi gumanti ng sigaw habang nagko close ng website na ‘yun “popup lang ‘yan dun sa binuksan kong website
ilang beses na ba akong inilalagay sa alanganin ng mga porn site na ‘yan.. hindi ko na mabilang. andyan na habang tumitingin ako sa isang bagong tuklas na porn site sa opisina, sa sobrang pag eenjoy nawala sa loob ko ang pagka alerto napansin ko na lang na kalahati na ng katawan ng boss ko ang nakapasok sa may pintuan ng opisina, hindi ako pwedeng mag ALT + TAB, obyus masyado.. inunahan ng kamay ko ang utak ko na magdesisyon, pinatay ko bigla ang monitor sabay tingin sa boss ko at sa nakakaawang boses “sir, sira ‘yung monitor walang display” tumigil ang boss ko sabay sipat sa monitor, “parang hindi, parang nakapatay lang…” sabay pindot sa power button ng monitor.
naaalala ko dati, nanonood ako ng video ng scandal at s’yempre nakapatay ‘yung speaker. biglang pumasok ang nanay ko, sa kanila pa kami nakatira nun dati at iisa pa lang ang pc na ginagamit dun. pacheck daw ng email dahi baka nagreply na ‘yung kaklase n’ya nung highschool na nasa ibang bansa. nakaminimize lang ‘yung pinapanood ko at wala ng posibilidad para maiclose ko ‘yun. pinindot ko ‘yung WINDOW + L sa keyboard at pagkatapos n’yang mag login sa account ng guest sa pc, pumunta na ako sa kusina para uminom ng tubig, maya maya nakarinig ako ng maingay na halinghing na nanggagaling sa speaker ng pc ko.. takbo agad ako, binuksan n’ya raw ‘yung speaker dahil magbo voice chat daw sila nung kausap n’ya sa YM.
.. kakabalik lang ng nanay ko ngayon, para lang sabihin sa akin na mamamatay ako sa gutom pag hindi ako sumama dahil wala ang nanay ng anak ko at wala akong kakainin dito.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

21 thoughts on “pron”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s