interes

nagkaron kami ng diskusyon ni mrs. cabron kagabi bago matulog. bertdey kase ng anak ng kapatid n’ya sa linggo at baka pumunta daw ng baguio, wala akong nakikitang problema dun kaya lang ang masama isinasama n’ya ako. ano ang nakikita kong problema pag sumama ako sa ganun kalayong lugar sa kanila kasama ‘yung mga bayaw ko? malaki.
parehong mahilig sa sasakyan ang asawa ng dalawang ate n’ya, naiimagine mo ba ang pagdudusahan ko sa ilang oras na b’yahe mula manila hanggang baguio kung ang pag uusapan nila e tungkol sa sasakyan? wala ‘yung pinagkaiba sa tatlong tao kayong isinilid sa kahon at ipinadala sa china.. at ang dalawang kasama mo ay intsik.
magmumukha akong alien sa sasakyan na ‘yun, magmimistula akong ligaw na multo na nakasabit sa b’yaheng ‘yun at hindi man lang ako makakapag paramdam.
ano ang posibleng senaryo pagkarating namin sa lugar na pupuntahan namin, habang abala ang mga kababaihan sa pag aayos ng mga gamit at pagtsitsismisan. aalukin ng isang bayaw ko ang isa pa na magyosi sa labas, s’yempre otomatik na susunod ako.. at pagdating sa labas pagkatapos namin pagusapan ang ginaw sa baguio at pagkatapos magkwento ng isa kung ilang taon s’ya nung una s’yang nakarating dito na susundan naman ng isa kung saang mga lugar s’ya tumira dito.. mapuputol ang usapan pagikot ng mesa sa akin, hindi pa ako nakakarating dun. wala akong maiaambag maliban sa ginoogle earth ko ang baguio at anlaki pala ng burnham park.
hindi ito ang tamang panahon para maiwan kayo sa isang lugar kasama ng dalawang tao na may parehong interes at ikaw lang ang naiiba. bakit? finals ng NBA ngayon at may batas ang mga ilang kalalakihan d’yan na kung wala ka rin lang maiaambag sa usapin tungkol sa event na ‘yun, ‘wag ka na lang lumabas ng bahay o makihalubilo sa iba. pag tinanong ako ng isa kung sino ang gusto kong manalo sa finals, lakers ang isasagot ko.. pero pag hinanapan n’ya ako ng dahilan kung bakit o kung sino ang paborito kong player ng lakers maliban kay kobe bryant malamang lunukin ko sa harapan n’ya ‘yung sigarilyo ko para madivert lang ang usapan.
iyan ang pagkakaiba ng lalaki sa babae, magbagsak ka ng sampung babae sa isang kwarto at iwan mo ng isang oras, magugulat ka pagbalik mo dahil may makikita ka ng naghihingutuhan, naguusap tungkol sa presyo ng bilihin at mga katitian ng mga ex boyprends nila. subukan mo namang mag iwan ng limang lalaki sa isang kwarto at balikan mo pagkalipas din ng isang oras. aabutan mo silang nasa magkakaibang parte ng kwarto at natutulog. isang bagay ang importante sa mga lalaki para makasundo n’ya ang kaharap n’ya.. parehong interes. sa babae, timing lang.
isang bagay lang ang nakikita kong posibilidad para makasama ako sa lakad na ‘yun. inuman. dahil para sa akin, parang relihiyon ang inuman. wala ‘yang pakealam sa kung saan kang bansa nanggaling o kung anong mga kultura ang baon mo. sama sama kayong magkakaharap sa isang mesa, may kanya kanyang paniniwala.. pero may iisang diyos na sinasamba.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “interes”

  1. nasabing mong hindi ka pa nakakarating ng baguio. isa lang ang masarap gawin sa baguio (ay, 3 pala)… mag-inom, mag-yosi at palagay ko, alam mo na yung pangatlo… the only bad thing is… malamig. pero pag malamig, masarap uminom ng alak (hindi beer, kundi maiihi ka lang lagi). tipong vodka o tequila. o di kaya gin bulag. hehe. matulog ka na lang sa mahabang biyahe. at i-look forward mo ang inuman. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s