ohmnomnomnom

2450602215_36a83494a62
kung merong tinatawag na pagkaing luto ng diyos, hindi ako magtataka kung ito ang eksaktong pinapatungkulan ng salitang ‘yun. hindi ako magugulat kung pagkatapos kong kainin ang malaking burger na ‘yan lalapit sa akin ‘yung lalaking waiter na nagserved sa akin para isiwalat ang sikreto ng produkto nila “sir jon, andun si jesas sa kitchen. s’ya ang nag flame grill ng patties n’yan at s’ya ang metikulosong nag salansan ng mga gulay gulay sa kinain mo.”
eto lang ang pagkain na hindi ko ipagpapalit kahit saan at kahit pa sa isang rumaragasang pagtatalik sa kahit na sinong pinakamainit na babae sa mundo. kung papapasukin mo sa kwarto ko ang mga babae ni hayden kho ng nakahubo at may dalang ultimate cheeseburger, tatlong bagay ang otomatik na gagawin ko. sisikmuraan ko sila isa isa, kakainin ko ‘yung burger, at pagkatapos nun tsaka ko pa lang pagdedesisyunan kung anong gagawin ko sa mga hubo’t hubad na katawan nila.
eto lang ang burger na masasabi kong sakto sakto na. hindi masyadong naaagaw ng gulay ang lasa ng patties at hindi nakakaumay ang mga gulay kahit napakadami. pinapatay ng lasa ng patties ang lasang nakakaumay sa gulay at binubuhay ng lasa ng gulay ang linamnam ng flame -grilled patties. saktung sakto at pakiramdam ko nga wala ka ng pwedeng idagdag na kahit anong sangkap pa dito, bakit? dahil pakiramdam ko sa sobrang kaperpektuhan ng pagkain na ‘to baka hindi na kayanin ng kaluluwa mo pag may idinagdag pang sarap sa pagkaing ‘to.

note:

hindi aktwal na larawan ng pagkaing kinain ko nung nakaraang linggo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “ohmnomnomnom”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s