sana laro ulit tayo minsan

kilala mo kung sinong nakita ko sa kalsada kanina nung bumili ako ng yosi? ‘yung babae na nakatira dati sa tapat ng bahay namin sa paupahan ng tita ko nung mga bata pa kami. kung pagbabasehan ang porma ng katawan n’ya mukhang may asawa at anak na rin s’ya, at kung pagbabasehan ang matagal at dalawang beses na pagtitig n’ya sa mukha ko kasabay ng alanganing ngiti at nahihiyang pagtaas ng kilay malamang nakilala n’ya rin ako kanina.
may mahigit dalawampung taon na siguro nung umalis sila dito sa amin, marami ng nagpalit palit na pamilya ang tumira sa binakante nilang paupahan bago pa ‘yun giniba ilang taon na ang nakakalipas, hindi ko na s’ya naaalala pero kanina nung nakita ko s’ya muling bumalik sa akin ang eksaktong naramdaman ko nung araw na hindi ako makalapit sa kanila habang iniempake nila ang mga gamit nila pasakay ng arkiladong jeep, para hindi na muling bumalik. at kanina isa ang napatunayan ko sa sarili ko, may parte ng kabataan ko ang naikahon nila kasama ng mga gamit nila nung lumipat sila.
malapit dati ang pamilya n’ya sa pamilya ko, hindi ko mabilang kung ilang beses na nagpalitan ng ulam ang pamilya namin kahit pa itinatapon lang ng nanay ko ‘yung ulam na ibinibigay ng nanay n’ya dahil ilokano sila at halos lahat ng niluluto nila ay may nakahalong durog na isda.
dahil magka close nga ang pamilya namin, tiwala ang nanay n’ya na sa akin at hindi lima o sampung beses lang na naiiwan kami sa kanila ng kaming dalawa lang. madalas kaming manood dun ng tv at magdrowing drowing. natutuwa akong tumambay sa kanila dahil may hot and cold silang kuhanan ng tubig. at masaya akong tumambay sa kanila dahil kahit bata pa kami nun, alam kong mahal ko na s’ya. grade 4 na yata ako nun, hindi pa s’ya nagaaral. ang alam ko masaya kami… hanggang sa natapos ang lahat, nung nagsumbong s’ya sa nanay n’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “sana laro ulit tayo minsan”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s