tinatanong pa ba ‘yan?

matagal ko ng iniiwasang pumunta sa clinic dito sa opisina, dalawang magkasunod na annual medical exam ang ibinagsak ko at laging nakapaskil ang pangalan ko sa bulletin board ng kumpanya para bumalik sa clinic. wanted ako, pero hindi ako bumabalik dun dahil kahit alam ko naman na may sakit ako dahil nararamdaman ko, ayokong kumpirmahin. naranasan ko na dati ‘yan, kelan nagsimula na magsasakit ang ulo ko at mahilo pag nabubusog ako? nun lang nalaman ko na may hypertension ako.
pero sa hindi maiiwasang pagkakataon, kinailangan kong sumilip dun nung isang araw dahil ayaw pirmahan sa personnel ‘yung sick leave ko nung nakaraang linggo na nanaginip akong isa daw akong dalagita na excited na sumisigaw dahil unang pagkakataon akong reglahin.. at nagising akong basa ang boxer shorts ko.
pagkakita pa lang sa pangalan ko nung nurse, hinalungkat n’ya na ‘yung records ko dahil pamilyar daw.  sinermunan n’ya ko kung bakit hindi ako bumalik, hindi ko raw ba alam na pinapabalik ako nung isang taon pa daw blah blah blah..
nung tinanong ko ang sakit ko, pati ako nagulat.
1. mataas na cholesterol
2. sugar

luma na ‘yan. eto ang bago..

3. uric acid
4. dextroscoliosis

naks, ansosyal pakinggan nung dekstroskolyosis. sabi sa wikipedia
“it is a scoliosis with the convexity on the right side” ibig sabihin pa letter S daw ‘yung spine ko pakananan. wala naman akong nakikitang problema dun, dahil hindi naman ako magsusundalo. pero seryoso, sa tagal ko ng nagpapa xray ngayon lang ako nilabasan ng ganyan. hindi ako naniniwala.
maya maya duktora na ang kausap ko, binigyan ako ng sandamukal na papel, pero walang gamot para sa apat na sakit na ‘yan. binigyan din ako ng referal para sa manila doctors, pag daw dun e nalaman pang mataas ang sugar ko.. reresetahan na raw ako ng maintenance, ibig sabihin habang buhay na akong iinom ng gamot. tinanong ko s’ya kung pwede bang tsaka na lang ako pumunta sa duktor at dadaanin ko muna sa matinong pamumuhay at wastong pagkain ang lahat. tinitigan n’ya ko at sinabi n’ya
“tinatanong pa ba ‘yan? HINDI!” kailangang mamonitor ka na ngayon pa lang dahil ambata mo pa blah blah blah.
tinanong ko kung anong mga bawal. bawal ang mga beans at mga laman loob dahil sa uric acid, matataba dahil sa cholesterol, bawal ang kanin at matatamis dahil sa sugar, at bawal ang alak… hmmmkei! hindi ko makita ang logic ng kailangan mong iwasan ‘yang mga pagke sasarap na ‘yan para mabuhay ka. anong silbi ng buhay? bawal ako sa maalat, bawal ako sa matamis.. ano pang kakainin ko? papel?.
sa tingin mo ba, pupunta ako sa duktor para magpareseta at para habang buhay na akong maggagamot at iiwas sa mga ‘yan? e hindi ko naman pinangarap tumanda..
.. tinatanong pa ba ‘yan?

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “tinatanong pa ba ‘yan?”

  1. natawa ako dun sa panaginip mo ah! ikaw ba talaga yung dalagitang niregla o baka naman ikaw ang humabol sa dalagita tapos pinadugo mo. lols! welcome back!

    nakakalungkot lang talaga magpacheck up sa doktor kaya umiiwas din ako sa mga ganyan. mapapagastos ka pa.

    kapareho mo mataas din ang uric acid ko at talaga namang sumasakit minsan ang tuhod, kamay at talampakan ko. puro joints daw ang inaatake nyan eh . yung pagkain talaga mahirap iwasan lalo na kung nakasanayan mo na. moderation na lang cguro. :nod:

  2. malapit ka na mamatay pero may panahon ka padin magplurk, mag tumblr at magblog sa bagong renew mong blog? at shempre manood ng porn. HOLOLS :))

    biro lang. wag ka kasing matigas ang ulo. ulo sa taas ha. puta ang hirap maging wholesome dito :no:

  3. welkam back! lam ko namang makakasurvive ka dito sa pagbablog eh.

    anyway. ganyan din ang mentalidad ko nung sobrang hilig ko sa mga bawal. kahit alam ko’ng may history kami ng diabetes, hayblad, mataas na uric acid at kung anu pang sakit, masyado ako’ng nawiwili sa matatamis, maalat at mamantika.

    pero nung nagka anak na ako, bigla ko na binago ang lifestyle ko, although hindi ako chain smoker at tomador. bigla ko lang naisip na maging health buff ako.. dahil gusto ko pa makasama nang matagal ang mga anak ko. gusto ko pa makita na nag 7th bday sila. gusto ko pa makita na gumradweyt sila sa elementary, highschool at college. na nag debut sila. na nagkaboylet sila, hanggang sa ikasal sila.. gets mo point ko? dahil sa mga anak ko, gusto ko pa mabuhay.. wala ka paki? kfine!

  4. sa tagal kong hindi nakakabisita sa mga blog na malimit kong bisitahin, na-miss ko yung panahon na nagalinlangan pala itong blog mo.

    eniwei, mahirap ang mataas ang uric acid. madalas masakit ang mga joints (tulad ng nabanggit ni gasti). ingat ka na lang siguro. wag ka sanang gumaya sa pinsan ko. out of the blue eh major taas ng uric acid, namaga ang paa at ilang linggong hindi makalakad. sa ngayon wala na syang tungkod pero yung pagba-basketbol hindi na nya magawa.

    ang masaklap mo, andaming bawal na pagkain. any fish na walang kaliskis (like tuna, blue marlin, tulingan), pork at lalo na ang beef. bawal ang beer. pero kung talagang gusto nyang uminom, di naman daw bawal. maga-hard na lang daw sya. pero definitely beer is out.

    scoliosis can hit you at any age talaga. wala naman syang fatal na epekto. yun nga lang, madalas pag matagal na nakaupo at matagal na nakatayo, masakit ang likod.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s