bumalik na ako bago mo pa mapunang umalis ako

at gaya ng isang tipikal na pelikulang pilipinong aksyon, muling babalik ang bida mula sa pakikipag engkuwentro sa anim napu’t anim na kalaban na gamit lang ang isang baril na hindi nauubusan ng bala, hubad, sugatan, labas ang bituka pero hindi pa patay.  bakit? para may part two.

isa sa pinakamadilim na araw ng buhay internet ko ang mga nagdaang araw na ‘yun at lalo kong ininda ang dilim sa pakiramdam na mag isa lang ako. napakahirap maghanap ng makakapitan habang tinatangay ka ng agos ng oras. napakaliit ng itinaning na panahon sa akin para sagipin ‘yung blog ko, ginulat ako ng balita at nilito ng deadline hindi ako makapag isip ng maayos. may mga nag alok na ng tulong pero malilipat ako, hangga’t maaari ayokong mawala ang mightyjoncabron.com sa akin.
sa desisyon kong humingi ng tulong sa mga readers ko, nakahanda ako kung walang sasagot sa akin. taong internet din ako, hindi ka gagastos para bumili ng dyaryo kung napapanood mo naman sa balita sa tv ang kaparehong laman nito. napakaraming libreng babasahin sa net, napakayabang kong maghanap ng sponsor para magpatuloy ang blog ko. dumating ako sa estado na wala na akong pakialam kung mawala lahat ‘to, sabi ko nga mabilis akong tumanggap ng mga bagay na wala ng kalutasan. tinanggap kong mawawala ang blog ko kasabay ng realidad na hindi lahat ng katawanan mo may nakahandang balikat para ipahiram sa’yo pag naiiyak ka na. hindi na ito usapin ng kung sino ang may nakahandang pera o magagamit na credit card para saluhin ang blog ko, naging usapin na ‘to ng kung sino ang may pakialam. hindi ako umaasa na may sasagot sa panawagan ko pero mas lalo akong nagulat na halos walang pumansin sa akin.. o hindi ako pinansin ng mga taong inaasahan ko. imbis na maawa ako sa sarili ko, nayabangan pa ako sa pagkatao ko para humingi ng ganun.
maraming salamat sa mga ilang nakaalala at sa mga sumalo ng blog ko. may utang ako sa inyo na seryosong baka hindi ko na mabayaran.. dahil ayokong bayaran para araw araw kong maalala kung paano n’yo ako binigyan isang taon pa ulit para mabuhay.. sa internet.
kung isa itong tipikal na librong pilipino na obligado kang magbigay ng aral sa hulihan ng kwento, siguro
“”wag ka ngang tanga para malito sa papel ng dalawang tao sa harapan mo, ‘yung iba d’yan mambabasa mo at ‘yung iba d’yan kaibigan mo”

.. nagkaka part two lang daw ang pelikula, pag maganda ‘yung nauna,
at pag hindi pa nauubos ‘yung mga kalaban.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “bumalik na ako bago mo pa mapunang umalis ako”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s