piso mula sa puso

alam mo ‘yung pakiramdam ng may mahal ka sa buhay na tinaningan ng duktor na ilang araw na lang ‘yung buhay n’ya tapos naubusan ka na ng paraan kaya hihintayin mo na lang dumating ‘yung tinakdang araw na ‘yun? ganun ang pakiramdam ko ngayon.
limang araw na lang bago matapos ang kontrata ko sa host nitong blog, andami pa sanang kwento at napakadami ko pang gustong sabihin pero hindi talaga kaya. alam kong dadating ang sitwasyon na ‘to, hindi naman surpresa sa akin ‘to dahil eto ang kapalit ng pagtanggi ko dati na pagkakitaan ang espasyo nitong blog ko. baka hindi ako makapag kwento ng maayos nun.
hindi ko alam kung basta na lang maglalaho ang blog ko sa eksatong araw na ‘yan. wala akong idea kung bigla na lang hindi ako makaka access sa loob ng blog ko o bigla na lang hihigupin ng maliwanag na butas ang blog ko papunta sa isang cyber limbo, pero basta isa lang ang sigurado ako.. wala ako pag wala ang blog ko at hindi na magiging ako ‘to kahit kailan.
kailangan ko ng bubuhay sa blog ko kung iyon ang natitirang paraan para magkaron ulit ng boses ang bibig ko para sa karapatan ng isip kong magdikta sa utak ko ng mga bagay bagay at magawa ko ang obligasyon ko sa sarili ko na ilabas ‘yun.
isipin mo na lang na may isang bahay na puno ng pusa ang nasusunog sa harapan mo at sa konting pera na itutulong mo para mabuhay ang blog na ‘to, katumbas nun ang isang basket na puno ng kuting na maililigtas mo sa mapanganib na sunog na iyon.
kung sakaling eto na ang katapusan, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagtyagang magbasa ng mga kwento ko sa loob ng tatlong taon. hindi ko alam kung ano na ang susunod sa akin pagkatapos nito dahil tulad ng dati nung sinumulan ko pa lang ang blog ko.. wala akong plano. maraming salamat sa lahat ng nagmahal sa akin, sa lahat ng nakitawa, at sa lahat ng naki aray pag masakit ang tiyan ko at sa lahat ng sumabay sa pandidiri ko sa mga taong naka medyas kapartner ng sandals nila.
at sa lahat ng nainis at nayabangan sa akin.. mabuti, dahil iyon talaga ang gusto ko.

PS
hindi mo kailangang iligtas lahat ng kuting dahil tao ka lang
pero nasusulat na kung pipiliin ang unang mga taong dadalhin sa kaharian dun sa paraiso.. sila ‘yung mga may bitbit na basket ng kuting. at ‘yung next batch ng maililigtas? sila ‘yung dadaan muna sa mga mabibigat na pagsubok.
oo, nabasa ko ‘yan. hindi ko lang maalala kung saan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “piso mula sa puso”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s