ang entry na ito ay alay sa isang kaibigan

ang entry na ito ay alay sa isang kaibigan.

wala ng sampung araw bago ako mawala sa ere, muntik ng hindi umabot ang pabaon mong mga maaanghang na salita sa akin. kung gusto mong ibigay ko sa’yo ang pribilehiyo na mag iwan ng huling salita, sana man lang nilahukan mo ng kwenta ‘yang mga pinagsasabi mo. kaibigan, ilang buwan na ba ang nakakalipas nung napag usapan natin ‘yan? hindi ko na alam. ibig sabihin ba nun sa hinaba haba ng panahon hindi man lang umandar kahit bahagya ang buhay mo? nalulungkot ako para sa ‘yo, kaibigan.
hanggang ngayon ba nagigising ka pa rin sa gitna ng gabi dahil sa bangungot ng katotohanan na ako si jon cabron at wala akong pakialam sa mga gamu gamong dumadapo sa malagkit na sapot ng gagamba na may naka tattoo sa noo na “bawal pumasok malagkit, nakakasakit” ? dumadating din ba sa ‘yo ang mga pagkakataon na bigla ka na lang natutulala at tinatangay ang isip mo ng katotohanan na kahit gaano mo ‘ko pukpukin ng mga salita mong walang kwenta, hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo at hindi mo maitutuwid sa harapan ko ang baluktot na ugali kong nakikita mo. bakit? dahil wala kang kwenta, kaibigan.
kung tatayo lang ako sa tabi mo bilang kaibigan at hindi bilang karakter sa kwentong ito, isa lang ang sasabihin ko sa ‘yo. hindi ka na sana nagpakita nung gabing ‘yun dahil alam mo naman na lakad ‘yun ng mga taong may malayang utak, ayokong isipin na ikaw lang ang bobo nung gabing ‘yun. dahil kaibigan kita. pwede din na sana nanahimik ka na lang sa isang sulok habang tinatakpan ang magkabila mong tenga tuwing ibubuka ko ang bibig ko. normal pa sana ang pagtulog mo ngayon.
‘wag mong punahin ang puwing sa mata ng isang taong matapang na humarap sa hangin, habang nakalikod at nakapikit ka sa takot na mabura ng alikabok ang makeup mo. at bago mo punahin ang nakikita mong mantsa sa pagkatao ko, maghilamos ka muna.. baka nanggigitata ka na sa kasalanan.

bago mo isipin na traydor akong kaibigan dahil sa inaakala mong pagsasalita ko habang nakatalikod ka, mas gusto kong isipin mo na binibigyan kita ng pabor pag ginagawa ko ‘yun. dahil ayoko kitang masaktan, kaibigan.

gusto mo pangalanan pa kita? ‘wag na baka sumikat ka pa.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “ang entry na ito ay alay sa isang kaibigan”

  1. hala!!! iba-iba naman kasi talaga ang ugali ng tao. kanya kanyang trip lang yan. at minsan, dahil hindi mo trip ang trip ng iba, kailangan mo ring lumugar sa mga kritisismo mo.

    wala akong alam dito pero nakikiepal lang hahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s