november 2006 – may 2009

* dahil hanggang may20 na lang ang kontrata ko sa host ng blog.
* dahil kakabili ko lang ng bagong computer.
– dahil nasira na ‘yung luma.
* pag naglabas pa akong pera sa mga panahon na ‘to.
– isang buwan na noodles ang kakainin ng pamilya ko.
– kakailanganin kong mag ikot sa mga public schools sa muntinlupa para ipunin ang mga pinagtasahan nila ng lapis.. para may maipalaman ang anak ko sa tinapay.

hindi na bago sa akin ang dinadaanan ko ngayon, nag ilang beses na rin naman akong dumaan sa kalsadang ito iba iba lang ng dahilan. malungkot iwan ang isang bagay na nakasanayan mo na, pero lahat ng simula ay kailangan din magtapos. hindi ko alam kung ano ako kung wala ito, at hindi ko alam sa inyo kung wala ako. pwedeng wala lang sa akin ito, at pwedeng wala kayong pakealam dito.
masasabi mo na tagumpay ang isang kwento pag maganda ang mga salitang iniwan ng nagkuwento sa katapusan. gusto kong palabasin na wala lang sa akin ito at para lang akong magsasara ng isang buong libro, pero hindi. maihahalintulad ko ang dinadaanan ko sa kaparehong kalsada ng isang taong nilagyan ng busal sa bibig. pinigilang magsalita, pinutulan ng dila at inilayo sa mga tengang tagapakinig.

.. aalis na ako at nalulungkot akong wala akong maiiwan na magandang mga salita sa pagtatapos ng kuwento ko.

maraming salamat.
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

23 thoughts on “november 2006 – may 2009”

  1. Serious time. I’m actually sad. I’m a big fan of yours at ngayon ko lang aaminin yan. Mamimiss ko ang talas ng dila mo, ang humor mo na kakaiba at pilit ginagaya, ang utak mo. You are one brilliant writer, Jon and I’ll be looking forward to your comeback.

    With much love and respect,

    Jovi

    P.S.
    Sana man lang nag imbento ka ng mas ma-dramang dahilan sa pagreretiro mo. Alang pambayad sa hosting? So not the drama!๐Ÿ™„

  2. nyay! magbalik daw tz xa pla mawawala..

    wel, maraming nmang paraan para magsalita… pwede naman sa libre bsta wag ka lang mawawala, kc feeling q, dadaigin mo c pacman sa 100 most influential pipol …

    kaya waaaaaaaaaaaaaaaaagggggggggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!!! :no: :no: :no:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s