sa lalaking napapangiti habang nagbabasa ng text

hindi ko alam kung ako lang pero naiinis ako pag nakakakita ako ng lalaking napapangiti mag isa sa binabasa n’yang text sa pampublikong lugar. lalo na ‘yung senaryong tutunog ang celfone, dudukutin sa bulsa tapos babasahin ‘yung mensahe sabay tingin sa malayo o sa labas ng bintana ng bus na parang dinadigest pa ng maigi ng utak n’ya ‘yung mensahe tapos biglang susulpot ang ngiti sa gilid ng labi n’ya hanggang sa maging isang kumpletong ngiti. buti sana kung babae s’ya na alam naman natin na mabababaw ang kaligayahan pero sa isang lalaki, sa pampublikong lugar? seryoso, ansarap bigla na lang sigawan ng malakas na HOY! na sakto sa tenga n’ya.  ewan ko, wala naman pinag ugatan ‘tong nararamdaman ko na ‘to. wala naman akong personal na kilalang lalaking umagaw ng gelpren ko sa akin na nakita kong aktwal na gumawa n’yan pero kahit ngayon na nagtatrabaho na ‘ko at naiisip ko ‘yung itsura nung lalaking ‘yun sa bus na nagbasa ng text at ngumiti ng parang wala ng bukas na parang kamukha nito

691436984

parang pakiramdam ko may mga maliliit na ugat sa batok ko ang unti unting nagpuputukan sa inis. at isa pa mama,
hindi mo maloloko ang sambayanan, alam ng lahat na kaya mo lang pinaupo ‘yung babae sa bus dahil gusto mo lang masilip ang dede n’ya habang nakatayo ka sa tabi n’ya. buhoooooo!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “sa lalaking napapangiti habang nagbabasa ng text”

  1. natatawa ako sa pic. ewan ko ba, mula pa kanina sa plurk (yung tungkol sa usapang kilikili ni Sarah G,) , natatawa na ako sa mga banat mo hahaha… matagal na pala akong natatawa sa mga banat mo, ngayon lang ulit kasi ako nakapagstay ng matagal sa internet at nakapagbasa-basa tsk tsk..

  2. hahaha ako nakyukyutan sa mga lalaki na ganyan. mukhang tanga lang haha.

    napakashowbiz mu talaga ngayun sir jon..

    teka kanina rachel ann ngayun si gab naman??

    hmmm d ka naman galit sa magjuwa na yan ah?? haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s