tekscam

ako ang taong kung hindi rin lang naman ako masasaktan ng pisikal hindi ako magpapalagpas. kung piso rin lang ang magiging kabayaran ng pag patol ko para lang patunayan ko sa kabilang linya na hindi n’ya ako maloloko sa ginagawa n’ya kaya nagsasayang lang s’ya ng oras sa akin. gagawin ko.
kung normal kang tao at nakatira ka sa isang panig ng pilipinas, hindi na siguro bago sa’yo ‘yung mga text na nanalo ka daw sa isang contest na hindi mo naman sinalihan. at kung hindi ka masyadong normal baka nga nabiktima ka pa sa paghahangad na magkaron ka ng isang libong load, o kotse, o mana sa banko galing sa isang dayuhang hindi mo naman kakilala. hindi ako kayang biktimahin ng ganyan, sinasagot ko ‘yang mga ‘yan.

“congratulations, napili ang numero mo sa ginanap na electronic raffle. nanalo ka ng load, tumawag ka sa numerong ito para malaman mo kung papano mo makukuha ang iyong premyo”

piso lang naman, sinasagot ko ‘yan “sir, bakit hindi kaya iload mo ‘yang pagmumukha mo” nanghinayang s’ya sa piso. hindi na sumasagot.

kahit ‘yung mga ads ng smart na bumubulabog sa pagtulog ko sinasagot ko kahit na alam kong galing sa computer ‘yun at wala naman nakakabasa. hindi ko kailanman pagdadamutan ng pisong load ang sarili ko kapalit ng pagtatanggol ko sa karapatang pantao ko.

kahapon habang nagkukumpleto ako ng antok at nakaharap ako sa pc. may natanggap akong text mula sa isang numerong hindi nakalagay sa fonebook ko.

“good day sir dave here, i’d like to inform you that you can still avail of cXXm’s A.T.I.P to enjoy big discounts during enrolment. pls visit us at cXXm office”

bigla ang akyat ng dugo sa batok ko at silip ng isang wais na ngiti sa gilid ng labi ko. tangena n’yo eto na naman kayong mga mandarambong kayo ha. tinext ko ‘yung number:

“good day dave. alam mo? bayag mo!”

maya maya, nakatanggap ako ng tawag mula sa numerong ‘yun, hindi ko ‘yun inaasahan.
pagsagot ko tinanong n’ya kung bakit daw ako nagsasalita ng ganun pero hindi n’ya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot, andami n’yang sinasabi pero isa lang ang tumatak na impormasyon sa isip ko dahil blanko na ako..
si dave ang principal ng anak ko sa school nila, nagaalok s’ya ng discount pag nag bayad ka ng buo sa pasukan.
para akong dagang kumagat sa kesong nakatali sa patibong. pinatay ko ‘yung celfone ko, pakiramdam ko magsasabugan lahat ng laman loob ko dahil sa matagal na minutong hindi ako humihinga. malalason ang dugo ko ng mga butil butil na kakalat sa loob ng katawan ko.
huminga muna ako ng malalim, nagisip ng taktika bago ko s’ya tinawagan.. humingi ako ng paumahin at sinabi ko na akala ko kase citibank ang tumatawag, nag paawa na rin ako na ginugulo kase ako ng citibank dahil sa utang ko sa kanilang tinakbuhan ko kaya lahat ng nagtetext o tumatawag sa akin ng hindi ako pamilyar sa number ay tinuturing kong kaaway. naintindihan n’ya naman, at pinayuhan n’ya ko ng mahaba kung papano ko matatakbuhan ang utang ko ng hindi ako makukulong. halos bente minuto yata kaming magkausap, aksaya sa load.
sana man lang nabanggit ni mrs. cabron sa akin na number ko pala ‘yung ginamit n’ya na contact dun sa eskuwelahan ng anak ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “tekscam”

  1. nyahaha.. bakit kasi sinasagot pa yung mga ganon. ang natatanggap ko lang ay yung mga hinayupak na nagtetext ng, “hon, dito ka reply. load mo ako 150 pesos” neknek nila. delete na lang kaagad.
    maraming namamatay sa maling akala. toinks.

  2. taena, buti naman naayos yung gusot na napasok mo. bayag ba naman kasi yung nireply mo e. hahaha
    medyo takot na rin ako magsasagot ng mga tawag sa celfone ko, hinahabol na rin ako ng mga ahente ng credit card, pero 4k lang naman yung balance ko kaya wala na akong pakialam sa kanila. mwahahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s