irespeto n’yo ko

matino naman akong tao, maayus ayos din naman ang itsura ko at hindi naman ako umaastang babastusin sa pampublikong lugar. nakatapos naman ako kahit papaano ng kolehiyo at napaka soft spoken ko pa.

kakaiba sa pangkaraniwan ang bus na nasakyan ko kanina, may de hila sa gilid ng mga upuan para kumonekta ang kaliwa sa kanan, instant upuan. nasaktuhan na wala akong pagpipilian kundi umupo sa de hilang ‘yun dahil male late na ako kung lilipat pa ako sa kabilang bus na magpupuno pa at pagpapawisan naman ako ng masyado kung tatayo ako at hindi uupo sa de hilang ‘yun. medyo masikip ang pwesto ko at nakakadagdag pa sa hirap ko ‘yung bag ng nakaupo sa kaliwa ko na nasa lapag at bahagyang pumipigil sa mga paa ko para makapag pahinga ng kumportable sa sahig ng bus.
bukod pa dun, iba talaga ‘yung pakiramdam ng nasa gitna ka.. pakiramdam mo nasa sentro ka ng atensyon.
maya maya may nagtext sa akin, pero hindi ko muna binasa. bihira akong magbasa ng text sa bus dahil nahihilo ako pag nagbabasa ng kahit na anong maliit ang letra sa gumagalaw na lugar.
pag baba ko sa bus, nasa jeep na ako nung naisipan kong basahin ang laman ng mensahe sa celfone ko.

“hahahaha! ang taba ng itsura mo d’yan” – galing sa pinsan kong babae na hindi ko alam na nasa likod pala ng bus  .. at malaki ang agwat ng idad ko sa kanya, hindi ko rin s’ya kabiruan.

kanina sa opisina.
nagulat ako dahil nag online ang nanay ko sa YM habang nasa opisina ako.

Jon Cabron: anong inoonline online mo dyan?
Gng. Cabron: wala k bang gawa?
Jon Cabron: wala, ang labas ko nito alas dose pa para magkape
Gng. Cabron: laro pa rin ng laro anak mo nadidinig ko
Jon Cabron: bayaan mo
Gng. Cabron: busy sa mga ibon ang kapatid mo. tong mga anak nya kagugulo naglalaro sa kama lingon ako ng lingon bka mahulog.
Jon Cabron: tampalin mo isa isa
Gng. Cabron: puro pasaway.titigil lang to pag me nahulog..
Jon Cabron: ihulog mo para tumigil na

gngcab

putarages, irespeto n’yo ko! wala kayong karapatan na saktan ang damdamin ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “irespeto n’yo ko”

  1. Hmm..malamang di lang tampal abutin ko ke modrakz pag sinabihan ko siya nyan heheh. Malimit nga dine-deadma ako nun unless mauna ako mag PM. :no: Hmm..malamang di lang tampal abutin ko ke modrakz pag sinabihan ko siya nyan heheh. Malimit nga dine-deadma ako nun unless mauna ako mag PM.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s