papano ba magblog?

galing sa aking cbox.
pano ba maging isang blogger tulad mo?

baguhin natin ang tanong
papa’no ba mag blog?

magbasa ka ng libro para makiuso hindi para matuto. maging bukas ang tenga sa lahat ng pinaguusapan sa mundo, maging mapag usyoso. praningin ang sarili sa lahat ng kontrobersya sa mundo kahit na sa totoo, wala ka naman talagang pakealam. masuklam sa mga tao sa ospital ng vicente sotto, mahabag sa baklang biktima
tapos sa huli matapos mong ilabas lahat ng poot mo ..ilagay mo rin ‘yung video n’ya.
umuna sa pila ng mga gustong sumagip sa moral ng mga bagong bayani na dinungisan ng isang sosyalistang manunulat
tapos sa bandang huli insultuhin mo rin s’ya dahil mataba s’ya.  hanggang sa hindi mo alam tinatamaan na ng mga ligaw na salita mo ang lahat ng matataba sa mundo.
mag komento sa lahat ng mga sex scandals na naglalabasan, patunayan na biktima ang babae sa usaping ‘yun dahil sinamantala ng gagong lalaki ang kahinaan ng pobreng babae, makiisa sa pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan. maawa sa babae.. pagkatapos mong mag entry, magsaltik ka.
batikusin ang dos, mandaraya si willie! tapos minsan batikusin mo rin ang siyete, ambaduy ng dramarama sa hapon tapos lagi na lang si richard nang si richard ang nakikita mo. kahit ang totoo, wala ka naman talagang panahon na manood ng tv dahil lagi ka lang sa harap ng pc. nabasa mo lang sa tinatambayan mong forum ‘yung kwentong ‘yan.
mag galit galitan sa lahat ng uso kahit hindi ka naman talaga apektado. putangenang mga manginginom ng kape sa starbucks ang hihilig magpicture taking. putarages na mga nagsha shutter shades na ‘yan parang mga may venetian blinds sa mga mata, parang mga pulis pangkalawakan. buwisit na mga emo ‘yan ansasarap pagbuksan ng mga ilaw hanggang sa mga magkandabulag sila sa pagkakasilaw sa liwanag dahil mga hindi sila sanay. putangenang mga hiphop yan, mga iskwater! putangenang mga boy bands ‘yan pagkebabakla! lagi mong tatandaan ang batas sa pagsusulat ng entry sa blog. pag masaya ka lagyan mo ng “sobra” ,sobrang saya, sobrang wow, sobrang nakakatuwa. pag galit ka tadtarin mo ng mura ang entry mo putangenang mga ‘yan, putaragis na mga ‘yun, wadapaking siyet na mga hindot.
maging napakatapang mo sa mundo ng internet, umasta ka na hindi ka tinatablan ng suntok sa tunay na buhay at magsalita ka na parang pitik mo pa lang tatalsik na ang mga kalaban. maging napakawalangya mo, isang taong walang modo, walang respeto.. iyon ang gustong gusto nila. magsulat ka para sa kanila, isulat mo kung anong alam mo na magugustuhan nila kahit sukang suka ka na sa usaping ‘yun sa tunay na buhay.
nakakatamad magsulat sa totoo lang, walang kwenta at isang malaking pagsasayang lang ng oras lahat ng ito. puro pagpapanggap, pagtatago ng katotohanan sa likod ng monitor mong nakakasilaw. pagpapakilala ng hindi naman talaga ikaw. pakikipag kaibigan sa kung sino sino para lang magkaron ka ng bisita sa blog mo, pagmamakaawa sa mga tao para pakinggan ang boses mo. ayos na kahit bobo ang mga mambabasa mo, at least may tengang kinakapuntahan ang boses mo at kalevel na s’ya ng utot na pinakawalan mo at pwersahang pumapasok sa ilong ng kung sino sino. wala kang kwenta.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

30 thoughts on “papano ba magblog?”

  1. astig. sinakop ng entry na ‘to lahat ng mga walang kwentang blogs na nagkalat sa blogosperyo. ilang beses ko ring binasa bago ko maisip na minsan sa pagiging blogger ko, naging ganto rin ako.
    at kung gagawa ako ng last post ko sa blog ko, ganito rin siguro yung magiging mensahe nun.

  2. totoo yan..
    maraming mapag-panggap
    a pathetic way to introduce one’s self
    kahit sa totoong buhay
    nakakaawa..
    nakakaawa..

    (bakit anong paki mo! ginawa ko tong mundo na to para tumakas sa totoong buhay kong maraming pagkukulang, hindi ko malagyan ng kwenta dahil lahat nang magpapasaya skin ay nakakulong lang sa utak ko..busy ako sa pagpapanggap
    dito buhay ang aking patay na mga pangarap)

    pinaka nakakaawa ung pasosyal at nagdudunong-dunungan

    sabi nga na lolo ko:
    di bale nang maikli at walang kwenta ang kwento basta totoo..
    —————————————————————————————–

    totoo talaga yung kasabihan na kung ayaw mong magkaron ng kasalanan matulog ka no? ako kase pag kagising ko pagsasaltik agad ang naiisip ko e
    -patuka mo to sa utak katabi nang blog na to nung nabasa ko

    akala ko ako ang ganito
    mamumula ung pisngi ko pag tumitigil ako ng mga ilang araw tas sabak ulit todo saltik na naman..
    pinipilit kong ibaling ang attention ko sa iba pro by the end of the day testosterone ko pa din ang nagwawagi..bwisit! gagawin ko ulit..ulit..

  3. napatambay lang saglit.

    hayuf sa sensibilities to. halos lahat naman ng ginawa mo may sense eh.
    kaya ako napapadalas dito.

    ang puno’t dulo lang naman sa pagbablog ay ibuhos ang lahat ng gustong ibuhos. sairin ang utak hanggang wala nang maipatak..aluging mabuti kung may matitira pa.. di na natin problema kung maraming mapagpanggap sa mundong ito lalo na sa internet. asa pa tayong magpakatotoo ang lahat sa cyberworld.

    pero ito ang napansin ko sa lahat ng uri ng networking–> Kulang Lang Sa Pansin ang mga nandito..kasama na ako dun sempre.. aangal ka? pwes tuwad.. ok joke lang… nirerespeto kita kahit konti…😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s