diyeta

papano mo malalaman kung kinakailangan mo na ngang mag diyeta?

sa internet:
alam n’yo ‘yung “friends for sale” na application sa facebook? hindi ako sigurado sa konsepto nun pero ang intindi ko, magkakaron ng presyo ang mga nasa friends list mo tapos may mga bibili dun sa mga ‘yun para maging virtual alipin nila. puwede nilang utos utusan kunyari, pwede nilang pangalanan ng kung anu ano, at pagmukaing tanga. ahhhm hindi ako sigurado d’yan dahil hindi ako sumali d’yan.. wala akong pakelam sa pambatang laro na ‘yan.
… may humugot sa account ko sa listahan ng kung sino, pinangalan n’ya akong botyog.

sa opisina:
tumanggap ako ng tawag mula sa isang babae sa opisina.
babae sa ibang department: hello, ahhhm pwede ba dun sa ano.. ‘yung ano… ahhhm mataba?
jon cabron: good evening ma’m, sino pong mataba?
babae sa ibang department: sorry ha, nakalimutan ko kase ‘yung pangalan ahhhm sino ‘to?
jon cabron: ma’m si jon po
babae sa ibang department: ahhh tama, ikaw nga! ikaw ‘yung naggawa ng pc ko nung isang araw di ba? puntahan mo naman ulit, please..

hindi n’yo kailangang saktan ang damdamin ko.
mahina ang katawan ko nung ipinanganak ako dahil sa ilang nabigong tangka ng abortion nung nasa sinapupunan pa ako ng nanay ko. kasing laki lang ako ng bote ng ketchup nung lumabas ako at kinder na ‘ko nung natuto akong tumakbo. sumusuka’t tae ako pag nakakainom ako ng gatas. siguro naman ngayong magbe bente nuwebe anyos na ‘ko e may karapatan naman akong lumusog.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “diyeta”

  1. idol pag suka tae ang nararamdaman mo pag nainum ka ng gatas “lactose intollerant” ang sakit mo.. kakulangan ng lactubacilli sa katawan mo, sila ung mga live bacteria sa loob ng large intestine na sumasala ng bad badcteria sa katawan ntn..๐Ÿ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s