good yuck sa ‘yo

sandoboi nagkasalubong kami ni cyber ex sa online kanina. ilang beses ko na rin nakikita sa status sa YM n’ya ang anunsyo kung gaano s’ya kasaya sa buhay n’ya ngayon at kung paano n’ya natagpuan ang kakuntentuhan sa buhay ng dahil sa lalaking iyon. tapos na kami at kung tutuusin wala naman talaga dapat akong pakialam pa pero dahil iba ang may pinagsamahan at dala na rin siguro sa paniniwala ko na kahit kailan hindi naman nagtatapos ang obligasyon mo sa isang tao na dati mong minahal lalo na ‘t kung ‘yung kaligtasan naman ng tao ang pinaguusapan.
matagal din kaming hindi nakapag usap ni cyber ex kaya sinimulan namin sa tipikal na kamustahan ang lahat.  kinumpirma n’ya na may boyprend na nga s’ya at bilang pagpapatunay ‘yung picture pa ng lalaki ang ginawa n’yang avatar. at dun na medyo uminit ang usapan. sabihin n’yo ng makaluma ako o ano pero wala akong nakikitang respeto sa sarili ng isang taong ikakalat ang picture n’ya habang naka sando s’yang puti, maikling shorts, at nakasabog ang buhok sa kilikili. kung wala s’yang respeto sa sarili n’ya hindi ako maniniwalang kaya n’yang rumespeto ng ibang tao. kung nakakapag salita lang ang larawan na ‘yan, naniniwala ako na puro kalaswaan ang isisigaw n’ya base na rin sa itsura ng pagkaka ngiti n’ya d’yan. ilang taon na ulit ‘yang lalaking ‘yan? bente kwatro. asan nga ulit s’ya ngayon? nasa disyerto. maniwala ka sa akin, pag uwi n’yan dito parang kunehong galing sa pagkakakulong ‘yan sa isang masikip at madilim na kulungan. at anong sinasabi mong nangako s’ya ng kasalan sa ‘yo? makinig ka sa akin, kung ako e may trabaho na nung mga panahon na para pa akong tigre na gutom at nanlalapa ng kababaihan kung saan saan, malamang iyan din ang gagamitin kong patibong sa mga bibiktimahin ko. sinabi mo wala kang magagawa dahil kailangan mong sumugal, nalulungkot ako na mukhang nalilito ka sa konsepto ng sugal at sa suicide. hindi ka susugal kung alam mong dehado ka, hindi sugal ang tawag sa laro kung hindi pa nababalasa ang baraha kinukuha na ng bangka ang taya mo. katangahan ‘yun, suicide.
alam mo kung ano ang dalawa na napaka delikadong kumbinasyon? ‘yung babaero na hindi naman gwapo. bakit? dahil bihira makapam biktima ang mga ‘yan kaya uhaw na uhaw. mabilisan at sagad sagaran kung manakit ng damdamin ang mga ‘yan. gaano kabilis? walang pinagkaiba pag nalaglag ka mula sa napakataas na building, bago mo pa maramdaman ang sakit, patay ka na.
kaklaruhin ko lang na hindi ako namimintas, wala akong sinabi na pangit s’ya. ang sabi ko lang hindi s’ya guwapo, merong mga tao na hindi naman gwapo pero hindi din naman pangit. ganun ‘yun.
wala na akong panahon pa para pangaralan ka sa mga bagay na dapat matagal mo ng alam. basta isa lang ang maipapayo ko at naniniwala ako na ito ang pinaka lohikal na dapat mong gawin sa mga oras na ‘to, iwan mo na ‘yan. kung may makikilala ka pang iba, palitan mo ‘yan sa lalong madaling panahon. at ang ibig kong sabihin nang sa lalong madaling panahon ay ‘wag kang mag aksaya ng oras. maghanap ka!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “good yuck sa ‘yo”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s