patuka sa utak ng mga alipin ng putangenang pag ibig

malawak at walang pintong nasasarhan ang daan palabas ng isang relasyon kaya walang natitirang dahilan sa’yo para magbitiw ng salita pagdating ng araw na pinag mukha ka lang tanga ng isang tao dahil walang ibang makakagawa sa’yo n’yan kundi ang sarili mo lang.ย  walang saysay ang isang relasyon na hindi nakakatulong sa ‘yo para lumago bilang tao, pagsasayang ng panahon na manatili sa agos ng tubig na babahagya naman gumagalaw. malaking kasalanan sa sarili mo kung naramdaman mo na nga ang bagal ng tubig, natanaw mo na nga na ang kadulu duluhan ng agos ay pabalik din sa simula at paikot ikot lang, hindi ka pa rin gumawa ng paraan para umiwas.
dapat magsilbing kalsada ang isang relasyon na hindi nagtatapos sa lahat ng gusto nating puntahan. walang dead end, may lubak pero saglitan lang. may mga nakakahilong paliko, pero lagpasan pa rin sa dulo. hindi kailanman dapat maging kumunoy ang isang relasyon na hihigop sa’yo pailalim.
tagumpay ng kaliwa ang panalo ng kanan, parehong babagsak ang balikat pag may isang hindi sin’werte pero sabay din aangat ang noo para lumaban. iisang tao lang kayo,ย  pag nadapa, sabay. pag nasugatan, pantay.
halos tatlong kutsaritang asukal lang ang isinarap ng buhay ng isang taong malungkot dahil mag isa lang s’ya sa buhay at sinwerteng manalo ng ilang milyon sa lotto kesa sa dalawang nagmamahalan na masayang nagpupulot ng basura sa kalye para may maipantaya bukas dun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “patuka sa utak ng mga alipin ng putangenang pag ibig”

  1. “hindi kailanman dapat maging kumunoy ang isang relasyon na hihigop saโ€™yo pailalim”

    dapat ng go grow ang dalawang tao together..wag maghilahan pababa…pang crabs lang yang mga hilahan na yan…

    owkei..nakonek ko ang crab mentality sa love ..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s