may bago

may bagong pasok sa department namin. limang buwan ang pinakamatagal na kontrata n’ya at depende pa ‘yun sa performance n’ya, ibig sabihin pwedeng mas maikli pa dun. nakakailang pasok na s’ya bago nagkasabay ang oras ng pasok namin. tahimik naman s’ya nung una, tipikal na baguhang salta sa isang lugar na puro magkakakilala na ang inabutan n’ya. patingin tingin lang sa tao at sa paligid n’ya. nakikiramdam. tumatancha. katulad ng iba pang nauna sa kanya, ibinukas ko ang sarili ko at inilahad ang kamay para hindi s’ya mailang sa akin. ramdam ko ang nararamdaman mo dahil ganyan din ako nung una ako dito. eto ang mga bagay na pwede at hindi mo pwedeng gawin na naaayon sa batas ng kumpanya at batas ng pakikisama dito. relaks ka lang.
sa ilang araw at linggo naming magkasama, nasukat ko na ang kapasidad n’ya. sa isip isip ko ako na ang bahala. kung merong mambabato sa kanya gamit ang kahinaan n’ya, hindi ako ‘yun. alam ko na ganun ang tingin sa akin ng nakakaraming tao sa kumpanyang ‘to nung bago pa lang ako at alam kong doble ng bumabato sa akin ng harapan ang bumabato sa akin ng talikuran dati. matagal kong pinaglabanan ‘yun.
ako ang taong walang “tama lang” walang gitna at walang steady lang kalimitan. madalas kung hindi kulang, sobra. hindi ko alam kung papano nagsimula pero basta nagulat na lang ako na parang sobrang close na namin. at ito ang ilang patunay na senaryo sa loob lang ng halos tatlong linggo naming magkakilala.

1.
nagba browse ako sa net nun at nakatunganga lang s’ya sa ginagawa ko tapos naisipan kong magbukas ng friendster account.
BAGONG KASAMA: wow! dami mong friends na babae ah.
JON: ah sa internet lang ‘yan.
BAGONG KASAMA: ikwento mo nga jon, ilan na ang babaeng nayayari mo sa internet?

2.
yung kami na lang dalawa sa opisina nun at wala ng mga bossing, nagpakawala s’ya ng isang joke at hindi ako natawa, pinitik n’ya ko ng suntok sa tagiliran. nagluha ‘yung mga mata ko at muntik ko ng makagat ‘yung dila ko.

3.
BISOR: may problema sa internet. pakirestart ‘yang pc n’yo.
BAGONG KASAMA: ok, lang ba? mapuputol kase ‘yung download ni jon ng rage against the machine.

4.
kagabi lang. nung pa “aksidenteng” ibinagsak n’ya sa harap ko ‘yung clutch bag n’ya para pa “aksidente”ย  kong makita ang condom na laman nun.

.. naglaho na ang pormal na relasyon namin bilang matagal ng empleyado at baguhang empleyado. halos tatlong linggo pa lang kaming magkasama at itong buwan na ‘to mula alas dos hanggang alas diyes kaming araw araw na magkasabay at wala ng mga boss pagdating ng ala sais. naiilang ako sa kanya. natatakot akong baka saktan n’ya ko pag kami na lang sa opisina. naiilang ako sa ngiti n’yang isang gilid ng labi lang ang gumagalaw. sa lakad n’yang nauuna ang dibdib. sa maitim na balat n’ya at buhok na may kulay. sa tattoo n’yang tribal sa braso. at natatakot akong pwersahan n’ya kong gawan ng isang bagay na hindi na ako makakatingin ng diretso sa ibang tao pagkatapos.

oh at psssst!
photoblog
friendster
plurk
facebook
at birthday ko next month
… alam mo na ang gagawin mo. ktnx.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “may bago”

  1. hahaha.. sabi ko na nga.. ito ang nasa plurk…
    indecent proposal na ito!! at himala na ayaw ni jon! hehehe..
    nasukat na ang bagsik ni kuya jon.. in three weeks time, pasusukuin niya kayo..

    mag-ingat!

    hehehe…

    p.s. ganun ka ka charming kuya?

  2. Halo, master Jon!!hehehe! Kakatakot naman nga yung ganyan, saka yung nagtanong na ilang babae ba ang nayari mo dyan sa FS its very awkward to ask kung bago lang kayo magkakilala. Hindi kaya tintingnan lang nya kung MALIBOG ka, hahahah!! Gwaping ka kasi pre eh, hhehee, pakiss nga!!๐Ÿ˜†

    ingat

  3. when you wrote clutch bag, lalaki nga ang sumagi sa isipan ko. kse bihira naman mag-clutch bag ang girls. hehehe.

    di ako nakapag-padala ng pic last year. sisikapin ko this year padalhan ka. saklap ng bday mo. pano ka magcecelebrate nyan? holy week. well, ako malimit holy week din ang bday. this year, it’s my luck na hindi sya tapat sa bday ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s