sa babaeng nakikipaglaplapan sa saint rose na bus nung sabado ng gabi

alam kong hindi mo na kailangan pang maging pinakamatalinong tao sa buong mundo para maniwala sa akin pag sinabi ko na hindi ako ang pinaka konserbatibong lalaki sa mundong ‘to. at alam ko din na hindi ka maniniwala pag sinabi ko na ako ang pinaka maginoong lalaking blogger na makikilala mo.
sabado ng gabi habang sakay ako ng bus pauwi ng alabang galing ng trabaho. sa kaliwa ko, isang upuan ang lamang mula sa hanay ng kinauupuan ko napansin ko agad ‘yung lalaking nakasubsob sa leeg ng babaeng katabi n’ya na nakapwesto sa may bintana. pumasok agad sa isip ko bago pa man magtagpo ang puwet ko at ang upuan ko na “showtime!” ‘to.
pumwesto na ako ng maganda, napansin ko na ‘yung nasa likod nila at kahanay ng inuupuan ko nakatingin din sa kanila tapos pag mukhang naghahalikan ‘yung dalawa, umuubo s’ya. iniilang n’ya. seryoso, gusto ko s’yang talunin sa kinauupuan n’ya para sakalin s’ya at ilawit ang ulo n’ya sa bintana ng bus hanggang sa malunod s’ya sa hangin.
pero bumagsak ang balikat ko nung dumating ang konduktor sa tapat ng magsyota para kunin ang bayad nila at naging dahilan ng pagkakakalas nilang dalawa sa mainit na paglilingkisan.
naka uniform ang babae, kolehiyala. ‘yung lalaki naka polong checkered na itim at pula, naka sobra sobrang fit na pantalon, at natatakpan ng bangs ang kaliwang mata. mas madalas pa s’yang maghawi ng buhok n’ya kesa sa gelpren n’ya. at kung hindi ka pa kinikilabutan sa imaheng ‘yan na nabubuo sa utak mo, may kadena din s’ya sa tagiliran n’ya na nakakunekta sa pitakang de velcro sa likurang bulsa ng pantalon n’ya.
pag alis ng konduktor, balik na naman sila sa pagsusukatan ng init… sa bus. pero napansin ko din na parang may mali nung nakita ko ‘yung kuko ng babae na naka french tip pa nga na pumipigil sa kamay nung lalaking ‘yun. pero wala din s’yang nagawa.. syempre naman.
hanggang ngayon may pakiramdam ako na may parte ng kunsensya ko na natangay ng bus na ‘yun nung bumaba ako dahil wala akong ginawang aksyon para sagipin ‘yung babaeng ‘yun sa kamay ng isang lalaking mahilig sa dilim. talo pa ako nung lalaki sa likod nila na paubo ubo.  gusto kong bumawi, alam kong suntok sa buwan na ‘to pero mas mabuti na ‘to kesa wala. walang pinagkaiba ‘to sa pag susulat ng number mo sa likuran ng bus sa pag asang matagpuan mo sa pamamagitan nun ang babaeng makakasama mo habang buhay.

sa babaeng nakikipaglaplapan sa saint rose na bus nung sabado ng gabi,
alam kong bilang tao wala akong karapatan para dito pero bilang kristyano gusto kong sabihin na may pakialam ako sa mga kamunduhang wala sa lugar na nakikita ng mga mata kong bintana ng kaluluwa ko. gusto kong sabihin sa’yo na sa tuwing nadidikitan ng dila ng lalaking mahilig sa itim at may bangs na tumatakip sa isang mata ang dila mo, may mga anghel sa kalangitan ang tinutubuan ng sungay at nagsisitalunan sa apoy at may mga kuting na nagugutom at  nasasagasaan sa kalsada.
seryoso, iwan mo na ‘yan. wala kayong kakapuntahan n’yan kundi mabubuntis ka, magsasama kayo, at magiging isa ka sa pinaka pobreng babaeng may asawa sa buong pilipinas. napakalaking kasalanan sa diyos ang katulad mong uto uto na walang magawa pag nilalaplap ng boyprend n’ya sa bus na mabubuntis ng lalaking katulad ng boypred mo. masusunog kayo sa impiyerno.
magisip isip ka, kumalas ka ng yakap sa boyprend mo at titigan mo s’ya at isipin mo ng malalim kung ano ang mapapala mo sa lalaking ‘yun. isipin mo ‘tong senaryo na ‘to
hindi ako taong batu bato ang katawan at hindi ako ang pinakamalakas na taong makikilala mo, may luslos pa ako pero personal na ‘yun. sa isang kwartong walang labasan at pupunuin mo ng sampung katulad ng boyprend mo. maniwala ka sa akin gamit lang ang isang kutsarita, makaka anim na ganun akong mapapatay sa loob lang ng limang minuto.
kalasan mo na ‘yan. sagipin mo ang sarili at kaluluwa mo. maawa ka sa amin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “sa babaeng nakikipaglaplapan sa saint rose na bus nung sabado ng gabi”

  1. Kuya,

    grabe naman meron pang “masusunog kayo sa impiyerno”. Natawa tuloy ako eh! Sobrang ayaw mo talaga dun sa lalakeng mahilig sa itim at may bangs na tumatakip sa isang mata! haha! Sabagay kahit ako, kinilabutan ako sa diskripsyon ng damuho! ahahay!

  2. sayang walang pic…

    yung lalakeng mahilg sa itim na may matulis na bangs na tumatakip sa isang mata at may kadena sa tagiliran,may nail polish din ba sya itim at nakatsinelas kahit na may karumaldumal na kuko sa paa?

    naitanong ko lang po

  3. backread lang..

    bakit parang feeling ko parang gusto mo ikaw na lang sana ang nasa katayuan ng lalaking mahilig sa itim na tumatakip sa mata ang bangs at may kadena sa tagiliran nya???😆

    hehehe^^

  4. Hayaan nyo na lang sila at wag ng pakialaman dahil sila naman ang magdadala non, kung ayaw mo nung nakita mo, huwag mo na lang tignan or bumaba ka na lang, it seems na sineryoso mo yung nakita mo mukhang nainggit ka nga lang at hindi ikaw yung lalaki… At wala ni isa ating pwedeng magmalinis or magkumento na akala mo na sya’y napakalinis…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s