isang pagpapatotoo

biglaang lakad ‘yun, nagtext ‘yung isang kumpare at nagkayakagan sa mall. madalas na mas natutuloy pa ang ganung biglaang lakad kesa sa planado. ang problema lang nun dahil sa sobrang biglaang lakad ‘yun, hindi ko napaghandaan.
nag inom akong mag isa kagabi at lason ang pulutan ko. isang nagarayang pula na malaki at isang malaking growers. hindi ako kumakain ng mani pag alam kong may lakad ako kinabukasan o lalo na kung may pasok sa opisina. andami ko pang kinain nung tanghalian na at uminom pa ‘ko ng ilang baso din na iced tea at nagpanghimagas ako ng tsokolateng iniinom ng pamangkin ko. pag pinagsama sama mo ang chemical composition ng mga nabanggit ko katulad na katulad na ‘yan ng kemikal na ginagamit sa pampupurga. ok, imbento lang ‘yan.
paalis pa lang kami nararamdaman ko na s’ya pero pinagwalang bahala ko lang. naisip ko siguro naman pag nalibang ako sa mall makakalimutan ko din ‘tong pesteng halimaw na nagra rakenrol sa tiyan ko.
at katulad ng mahigit isanlibong katulad na kwentong ganito sa buhay ko.. nagkamali ako.  may sumunod pa naman kaming isang kumpare pa na kasama ang anak n’ya. pero pinatunayan sa akin ng mundo ang realidad na tao lang ako at hindi robot o kung sino mang makapangyarihan na nilalang. ipinasya kong tapusin na ang lakad na ‘yun.
marami ng nagsabi sa akin na nasa isip lang daw ‘to, kesyo lagi ko daw kasing iniisip kaya lagi kong nararamdaman. ikinalulungkot kong hindi s’ya ganun.
hindi ito nasa isip lang, maniwala ka sa akin… matagal n’ya ng pinatunayan sa akin na totoo s’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “isang pagpapatotoo”

  1. Kung may ipinapasok, mayroon ding inilalabas. Ganyan talaga ang buhay. Kailangan nating sundin ang tawag na kalikasan at huwag itong sawayin. Sakit ang ating aabutin at hindi tayo magtatagal sa lupang hinirang, hehehe.

    The moral of the story, eat and drink only what you can. Pero kung libre e, di eat and drink all you can. Maghanda ka lang nga barya pambayad sa CR kung nagkataong nandoon ka sa Gateway ng Cubao. :grinnod:

  2. Hahaha.. Kakatuwa naman to! May ganito rin palang effect ang mani? Di ko masyado alam yun ah. Hihi..

    Hirap talaga mga biglaang lakad na ganyan. Kahiya rin naman kung magmilagro pa sa mall kaya siguro napauwi ka kaagad. Haha..

    Bago po ako rito. Padaan lang po. ^_^ Add po kita ha?

  3. aba, matagal tagal ka na ring walang kwentong ganyan. akala ko tuluyan nang naging okei ang tiyan mo. ngunit sabi nga nila, hindi mo matatakbuhan kung ano ka talaga. hehe.

    baket nga ba bukod-tanging lagi kang inaatake ng ganyan ano?

  4. hindi ko pa naranasan ang ganyan sa isang mall pero ang pinaka di ko malilimutang karanasang ganyan ay sa isang pampbulikong lugar rin.. hmm.. di ko alam kung anong tawag dun kung palengkeng mediyo classy o hindi basta yung sa may ortigas at sobrang pawis na pawis ako nung mga panahon na yun. Grabe!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s