regalo

sa ilang malalapit kong kaibigan sa online world at sa ibang mga mambabasa kong malalakas ang pakiramdam, alam kong hindi nalihim sa kanila ang mahaba haba ding panahon na magulo at madilim ang mundong pinag dadaanan ko nitong mga nakaraang buwan dahil sa hindi namin pagkikibuan ni mrs. cabron. hindi n’yo na kailangang mahaplos pa ang lalim ng mga papagaling kong sugat na ibinunga ng ilang beses na pagko cross stitch ko ng pulso para malaman n’yo ang sitwasyon na pinagdadaanan ko, kung babasahin n’yo ang karamihan sa mga entry ko ng mga nagdaang buwan masisilip n’yo dun ang isang manunulat na alipin ng kalungkutan. isang payasong nagpapaligaya ng mga tao habang may saksak ng kutsilyo sa likod. balon na walang tubig, iced tea na walang yelo, pintong walang doorknob, motel na bawal ang short time, seksing menor de idad… ok, kalimutan n’yo na ‘yung huli.
ang totoo n’yan maayos na sana ang lahat sa amin ilang araw bago pa mag araw ng mga puso. otomatik na ‘yun e kahit sinong magkarelasyon kahit pa gaano kalaki ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan n’yang mga ‘yan at kahit pa gaano kalalim ang sakit na idinulot n’on maghihilom sa araw na iyon, nakaprogram na ‘yan. walang nakakailag sa pana ng tinaguriang sto niño ng pebrero. (imbento ko lang ‘yan)
magkaaway ulit kami ngayon at balik sa dati, at ang dahilan? naging maaalahanin kase ako at nag effort ako na magregalo sa kanya sa mismong valentines day. ipinagkatagu tago ko pa naman, alam ko kase na hindi din s’ya pwede dahil busy s’ya at salungat ang sked namin. andaming bayarin mula pa nung january at sa tancha ko sa march pa ‘ko makakahon sa gastusin kaya mura lang ang regalong kinuha ko, hindi s’ya kasing bango ng bulaklak at hindi s’ya kasing tamis ng chocolate pero nakakakilig din s’ya. hindi s’ya sale pero may promo s’ya.
kulang isang linggo mahigit na sa akin ‘yun ng magkaron ako ng pagkakataon na ilabas ang surpresa sa kanya. maganda pa naman ang simula sana. nasa kwarto kami nun kakauwi n’ya lang galing trabaho at tulog na si polin.

JON: naaalala mo ba ‘yung tinext kita na may regalo ako sa ‘yo pero tsaka mo na malalaman kung ano?
MRS. CAB: oo, akina.
tumayo ako at kinuha sa kailalim ilaliman ng mga nakatuping damit sa cabinet ang supresang regalo
JON: dyaran!
MRS. CAB: tangina! ano ‘to?!
JON: premiere dotted condom na may naka bundle na ez lubricating jelly. mura lang, binili ko sa convenient store.
MRS. CAB: eto ang regalo mo sa akin? anong klaseng regalo ‘to!!?
JON: nagkakamali ka, … hindi iyan ang mismong regalo. IYAN ANG PAMBALOT NG REGALO..

.. naisip ko na kung game show lang ang mga sandaling ‘yun, siguro may mga confetti ng umulan galing sa kisame namin at may mga babaeng nakasuot ng balahibo ng manok at naka litaw ang pusod na magtatakbuhan papalapit sa akin kasabay ng game show host para batiin ako ng congratulations.

pero ‘yun nga, hindi natuloy at magkaaway ulit kami ngayon. ang dahilan, malinaw na nakasulat sa kahon na ‘yun na tatlo dapat ang laman nun pero dalawa lang ang nakita n’ya. sinubukan kong magdahilan na may nanghingi akong kasamahan sa trabaho pero tinraydor ako ng sachet ng lubricating jelly na nakabukas na. nagsalita ako ng mabilis na mabilis at malakas para pagtakpan ang pagkataranta ko. hanggang sa nilamukos n’ya ang bunganga ko. bumagsak ang balikat ko tanda ng pagsuko.
sa mata ni mrs. cabron, may babae akong pinag gamitan nun. naiintindihan ko s’ya dahil iyon naman talaga ang pinaka lohikal na dapat mong maisip sa sitwasyon na ‘yun. tinanggap ko na ang pagkatalo ko sa laban na ‘yun at inihagis ang puting bandera tanda ng pagsuko ko. hindi na ako nagsalita.
sa isip ko, mas mabuti na sigurong iyon ang tumatak sa isip n’ya na dumating sa akin ang sitwasyon na kailangan kong patunayan sa sarili ko na tao din ako. natutukso at nagkakasala. mas mabuti ng sumama ang tingin n’ya sa akin sa ganung paraan kesa malaman n’ya ang katotohanan na mag isa ko lang ginamit ang nawawalang pirasong ‘yun nung minsan na wala akong pasok at hindi naman ganun kaginaw ang panahon at pwedeng magbabad sa banyo.

walang pinagkaiba ‘yun sa sarap nung una mong nadiskubre ang amoy ng utot mo pag kinulob mo sa kamay mo. nakakapag paligaya, pero hindi mo ‘yun pwedeng ibulgar sa iba. nakakahiya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

27 thoughts on “regalo”

  1. matalas din si mrs. cabron. isipin mo nga namang napansin nya agad yun.

    don’t get offended when i say that this post somehow brought my spirits up (baka kse isipin mong naaaliw ako na magkaaway kayo). when i’m feeling down, isa ka sa mga binibisita ko. yung mga simpleng bagay na kung iba ang nagkwento, black & white ang dating pero sayo nagkakakulay. (pasensya na sa drama. mejo may tampuhan lang din kse kami ni hubby ko)

  2. ganun? hmm.. sa tingin ko dapat ipinaliwanag mo na lang sa kanya. kaysa naman isipin niya na nangangaliwa ka or something. saya ang trust (pun intended😆 )
    mas kaya mong ibroadcast sa blogosphere yung ginawa mo pero sa sarili mong asawa di mo masabi.
    teka, nababasa niya ba ‘tong blog mo?

      1. brad mali ka!! maraming adik na nahiligan blog mo… nyahaha!!

        may mga kaibigan ako na nirekomenda ko tong blog mo, sabi ko

        “may isang blog, nakakatawa.. kasi sira ulo yung nagsusulat”

        sabi nila nung nabasa “magaling… bakit mga sira ulo, magagaling”

        wag ka ma-offend.. totoo yang sinabi ko.. ngayon.. aliw na aliw sila sa iyo.. ayaw mo nun?? napapasaya mo sila??

        peace brader!!

  3. Ang pagaaway ng mag-asawa ay isang normal lang na bagay. Ang problem kapag ito ay hindi binibigyan ng solusyon, lalalim lang ang ugat ng inyong galit, pait, at pagkamuhi sa isat-isa.

    Pero sa isang banda ang pag-aaway ay tanda daw naman ng katatagan kung hanggang saan ang pagsasama ninyong dalaw. And for how long you can tolerate each other.

    Ang pagmamahalan daw ng mag-asawa ay hindi nasusukat sa panahon ng kapayapaan, bagkos ito’y nasusubok sa panahon ng unos ng buhay. At kapag humupa na ang mga ulan at malalakas na hanging, kapag nawala na ang masungit na panahon, muling mararamdaman ang init at tamis ang pag-iibigan. Ganito ang buhay, ganito uminog ang mainit na romansa na nagpapasigla ng ating buhay.

    At least tama si kuya Kim Atienza na ang buhay mag-asawa nga naman ay weather-weather lang. :nod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s